Sa sobrang pagpatol sa haters at bashers Sharon Cuneta, mega-okray sa twitter!

NAIINTINDIHAN NAMIN si Sharon Cuneta kumbakit gano’n siya ka-sensitive sa mga tweets ng mga haters at bashers sa twitter world. Dahil sa mundo ng twitter, we cannot please everybody. Kahit pa sabihing “followers” sila ay hindi nangangahulugang mga “fans” mo rin sila at ina-idolize ka nila.

Ang nangyari kasi, sa sipag mag-tweet ng Mareng Mega namin ay hindi maiiwasang me mga umookray sa kanya at sa mga tweets niya. Merong ilang maka-Piolo Pascual at maka-Gabby Concepcion na nagtu-tweet ng okray sa kanya at sinasagot naman ni Mega.

‘Pag ganyan lagi si Mareng Mega eh, binubuksan lang niya ang pinto para sa mas marami pang papasok na pang-ookray. Again, we cannot please everybody. Ang daming nagtu-tweet sa kanya ng mga nice words, ba’t ‘yun ang hindi niya pagtuunan ng pansin kesa magpaapekto sa mga haters at bashers?

Eh, ‘yung iba nga sa twitter, nagtatago lang sa code name o mga posers, dahil hindi nga naman litaw ang identity nila, kaya ang lalakas ng loob mang-okray. Kaya ‘wag nang patolera si Mareng Mega. Ang tagal na rin naman niya sa industriya para magpaapekto pa sa mga followers na hindi naman niya kilala personally at hindi rin siya kilala personally.

Saka siya mag-react ‘pag kakilala niya ang nagtu-tweet ng masasakit na salita.

Just a piece of advice.

Anyway, mas masyonda naman siya sa industriya at sa edad kesa sa amin so she should know better.

HONESTLY, NU’NG kasagsagan ng sagutan namin ng kampo ni Charice Pempengco nu’ng araw, naka-94k followers na kami. Sa totoo lang, pinres na namin ‘yung “delete” as in idini-delete na namin ang aming account, pero binalikan kami ng twitter system na meron lang technical problems, kaya sa susunod na kami mag-a-attempt uli.

Sabi namin sa aming sarili, ‘Ay, baka ayaw ni Lord na i-delete ko ang twitter account ko, kaya hindi na ‘ko nagkaroon pa ng second attempt. Saka katuwiran ko no’n, kahit pa ‘yung tinrending pa nu’ng araw ng ibang fans ni Charice na #PokpokAngInaNiOgieDiaz ay ipinagpasa-Diyos na lang namin sila.

Afterall, sabi namin, ba’t ba kami magpapaapekto sa kanila eh, ‘di ituon na lang namin ang atensiyon namin sa ibang nakaka-appreciate ng ginagawa namin, ‘di ba?

‘Eto nga, me nagpasa ng audio ng nanay ni Charice na tumatalak sa anak na lalake at grabe ‘yung away nu’ng mag-ina, deadma lang kami, eh. Malay ba naman namin kung sila ba talaga ‘yon? Saka problema ng pamilya ‘yan so dapat du’n lang ‘yan sa loob ng bahay, ‘no! I-solve nila ‘yan tutal, sila naman ang gumawa ng problema.

‘Yan ay kung sila nga ang may-ari ng boses ng mag-ina, ha?

PALIPAT-LIPAT KAMI ng TV channels kahapon. Buti na lang hindi kami naduduling. Nandiyang mapanood namin sa ASAP 2012 ang production number nina Xian Lim, Kim Chiu, Enchong Dee, Erich Gonzales, Gerald Anderson, Enrique Gil, Julia Montes at Empress Schuck. Tapos, parang napansin naming hindi goody-goody sina Kim at Gerald habang tinitilian ‘pag lumalapit na si Xian kay Kim.

Ba’t kaya?

Tapos, sa kabila naman, sa Party Pilipinas, nakita namin si Madam Auring. Nu’ng una, hindi pa namin namukhaan, pero ‘yung liit na ‘yon ng ilong ang nagpaalala sa amin, kaya ah, si Madam Auring ‘yon. No, wala siyang production number.  Nasa audience gallery lang ang lola n’yo, nanonood.

Tinray na kaya niyang manood sa ASAP 2012?

Puwede n’yo kaming i-follow sa www.twitter.com/ogiediaz at sa facebook sa The Ogie Diaz at sa www.facebook.com/vibestayo kung type n’yong maki-chat at manood nang live na live sa aming webcast.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleKC Concepcion, todo na sa pagka-wild?!
Next articleCarla Abellana, pinag-iisipan ang offer ng Dos

No posts to display