NAKITA KO ang pictures ng dalawang babies ng isang hindi na aktibong young actress ngayon na ang alam namin ay nasa ibang bansa na naninirahan kasama ang mister nito.
Pero sa mga retrato ng two babies niya, kapansin-pansin ang mukha ng kanyang panganay. Kamukhang-kamukha ng mga anak ng isang sikat na personalidad.
Ang sabi sa amin ng aming source, “Anak nga niya ‘yan ke _____ (sikat na personalidad). Hindi lang puwedeng aminin, dahil baka mag-react ang asawa na ‘eto’t meron na namang bagong sanggol na ibinibintang sa asawa niya.
“But the truth is, pinaako na lang sa mister ngayon ng young actress ang responsibilidad nu’ng sikat niyang ama. Although ang alam ko, binigyan ng negosyo sa ibang bansa ang parents ni young actress at pati si aktres, kaya happy na rin ang both sides.
“Pero nakita mo ‘yung picture nu’ng bata? Ang cute, ‘no? Kamukha talaga ng mga anak niya sa misis niya, eh. Obvious naman, eh. Pero hindi natin alam kung ano’ng set-up nila sa responsibility sa bata. Pero ang pagiging ama ay habang nabubuhay ka. Hindi ‘yan natatapos sa nagbigay ka ng lumpsum, tapos, galit-galit na.
“Balang-araw, hindi pera ang kailangan ng bata. Kundi atensiyon ng isang tunay na ama. ‘Yan ang aabangan natin.”
WALA PA ring kupas si Judy Ann Santos sa pag-arte, sa totoo lang. ‘Pag kailangan niyang umiyak sa eksena niya sa Huwag Ka Lang Mawawala, ang galing. Sana, manahin ko ‘yon. Hahaha!
Actually, isang revelation naman si KC Concepcion na kahit umorder ka yata ng isang drum na luha ay kaya ka niyang bigyan. Nagtataka nga kami kung saan humuhugot si KC sa nakaraan, eh.
Ang una naming naisip talaga ay siguro, ninanamnam lang niya ang character niya. Kasi nga, parang wala namang pains o bubog na pinagdaanan si KC, eh.
Pero nu’ng mapagtanto namin… ay, oo nga, meron.
Natawa na lang kami sa sarili. Alam na.
NAG-POST SA kanyang Facebook account si Jackie Forster at tila meron siyang gustong patunayan kung kaninuman. At halata sa kanyang posts na siya’y nananabik na bilang nanay sa kanyang dalawang anak kay Benjie Paras.
Kahapon, ‘eto ang kanyang posts:
“This is perfect. I hope next time they can say WHAT REALLY HAPPENED Face to FAce then the two other people can also be there PLUS A LIE DETECTOR TEST for the adults. So we can really see where things went wrong.
“I have nothing more to hide. I’m just a mother yearning for my kids not a nagging druggy, child abuser. People need to stop hyping up this tragic situation because when push comes to shove and I need to protect my husband, two children and family now – I may have to reveal a little more that will devastate those people trying to ruin me. So don’t push me.
“You’ve bullied me too much already. Bullies breed bullies. All I want are my kids to get to know me now – As an adult a mother at the right age with the right husband doing THE RIGHT THINGS with her LIFE.
“Sometimes it aches that I have to protect Benjie *JUST BECAUSE* HE’s THE FATHER of Andre and Kobe. It would be much easier for people to understand what happened if I told them EVERYTHING.”
Kayo na ang bahalang humusga kung para kanino ito.
Definitely, hindi ito para sa akin. Charot!
Oh My G!
by Ogie Diaz