HUMINGI NG paumanhin si Zoren Legazpi sa mga kaibigan niya at ni Carmina Villaroel na hindi nasabihan o naimbitahan sa sorpresang kasalan nila. Pero para sa kanila ni Carmina, naiintindihan na ng kanilang mga kaibigan ang sitwasyon.
Sa ulat ng TV Patrol last Friday, November 16, inamin ni Zoren na mahirap ‘yung sitwasyong kanyang pinagdaanan dahil kailangang maging sobrang sikreto raw talaga ang pinaka-espesyal na raw para sa kanila.
Pahayag niya, “Marami pa kaming hindi pa na-invite na friends ni Carmina kaya gusto ko sanang mag-apologize. Kasi kailangang week before otherwise magli-leak talaga siya, eh. So, ganu’n siya ka-secretive, oo.”
Dugtong pa ni Carmina, “Eh, naintindihan na nila ‘yun, they’re happy na for us, thank you everybody.”
Ang naging successful na surprise wedding preparation ni Zoren ay pagpapakita daw ng kanyang walang katapusang pagmamahal kay Mina.
Aniya, “Well it’s what I wanted to prove. Kasi isa ‘yan sa mga tanong niya sa akin, na nahirapan akong sagutin. Kaya I just want to prove it, let the action do the talking.”
Sabat ni Carmina, “Kasi minsan ‘pag naglalambing lang ako, ‘yung parang, ‘Tatay how much do you love me? Eh, ‘di ba usually ang gusto mo lang namang marinig ay so much, or forever… the usual. Eh, hindi nga siya ‘yung the usual guy. Ay, naku honey, this is priceless. ‘Yun talaga, basta very memorable.”
Pabiro namang sabi ni Zoren, “Basta 500 years pogi points ‘to para sa akin, ‘di ba, honey, 500 years ha?”
Dagdag pa ni Zoren, “Ang pinakamabigat diyan ay kailangan kong patunayan sa kanya araw-araw, ‘yung pagmamahal ko.”
MUKHANG LALAGARE ngayong taon sa paggawa ng pelikula ang Superstar na si Nora Aunor. Last Thursday, November 15, kinunan na ang nalalabi niyang mga eksena sa El Presidente sa Bagac, Bataan.
At ayon naman sa ulat ng Ang Latest: Uplate last November 13, mukhang pagpasok ng taong 2013 ay may gagawin na namang pelikula si Ate Guy.
Ito ay ang napapabalitang pagtatambalan nila ng Indie Prince na si Coco Martin.
Kuwento pa ng Superstar, “Tuloy ‘yung project na ‘yun pero hindi ko lang alam kung kelan, kung sa isang taon. Marami rin kasing mga fans ang humihiling kung p’wede nga raw kaming gumawa ng movie na dalawa.”
Kahit na hindi pa man daw sila nagkasama sa isang proyekto, pananalita naman ng paghanga ang papuri ni Ate Guy sa magaling na young actor na si Coco.
Aniya, “Magaling si Coco. Napanood ko minsan ‘yun, ang ga-ling umiyak. Oo talaga. Magaling talaga siya at magaling umarte.”
Pasok sa Top 5 ang Bwakaw sa prediction ng AwardsCircuit.com na mano-nominate bilang Best Foreign Language film sa paparating na Academy Awards 2013.
Ang AwardsCircuit.com ay isang entertainment website sa America na nakatutok sa halos lahat ng mga prestigious award giving bodies katulad ng Golden Globe, Screen Actors Guild, Emmy Awards at Oscar Awards.
Sa listahan ng AwardCircuit.com, nasa top 5 ang Cinemalaya 2012 Director’s Showcase entry na pinagbibidahan ni Eddie Garcia at idinirek ng award winning filmmaker na si Jun Lana. Narito ang top 15 sa listahan ng nasabing entertainment website: Top Tier Contenders – 1. Amour – AUSTRIA; 2. The Intouchables – FRANCE; 3. A Royal Affair – DENMARK; 4. Beyond the Hills – ROMANIA; 5. Bwakaw – PHILIPPINES; 6. Barbara – GERMANY; 7. No – CHILE; 8. Fill the Void – ISRAEL; 9. Lore – AUSTRALIA; 10. War Witch – CANADA; 11. Kon-Tiki – NORWAY; 12. The Deep – ICELAND; 13. Death for Sale – MOROCCO; 14. Pieta – SOUTH KOREA; 15. After Lucia – MEXICO.0
Kamakailan lamang ay napabilang din ang Bwakaw sa listahan ng Time Magazine bilang ‘10 must-watch film’ sa nakaraang New York Film Festival.
Sa January 30, 2013 ay ihahayag na ang official nominations sa lahat ng kategorya para sa Oscars.
Sure na ‘to
By Arniel Serato