KASAMA PALA dapat si Kristine Hermosa sa Star Magic anniversary sa ASAP noong Linggo.
We were told na naroon na raw siya. Maaga pa nga raw siyang dumating for the blocking. Pero hindi na raw lumabas ng kanyang dressing room ang hitad.
Why?
Naasar daw kasi si Kristine dahil hindi niya type ang gown na isusuot niya. Bigla raw nawala sa mood ang aktres kaya hindi na lang ito umapir sa show.
Hindi namin napanood ang buong Star Magic episode sa ASAP kaya hindi namin masabi kung umapir nga roon si Kristine.
True ba itetch, Kristine? Can you shed light on the issue?
HALATANG PATALBUGAN ang mga Star Magic artists noong anniversary nila.
Si Erich Gonzales ay talagang hindi nagpakabog sa kanyang very sexy gown. Halatang pinaghandaan niya ang event at umeksena talaga siya.
Si Maricar Reyes ay umeksena rin. Tumalikod siya nang makarating na sa stage mula sa hagdan para ipakita ang kanyang likod.
Hindi naman namin nagustuhan ang gown na suot ni Andi Eigenmann. Parang poor copycat lamang ito ng red gown na sinuot noon ni Precious Lara Quigaman sa isang event. Actually, mas magaling ding magdala ng gown si Lara kaysa sa kanya.
At dahil cream colored ang gown ni Andi ay nagmukha tuloy siyang mataba.
SI JOHN Lloyd Cruz siguro ang pinaka-natensiyon noong Sunday sa ASAP.
Aba, tatlo ang babaeng naroon na naugnay sa kanya dati. Naroon sina Ciara Sotto na ngayon ay married na. Shaina Magdayao was also there. At siyempre, ang nali-link sa kanya ngayong si Angelica Panganiban.
Pero mas nagulat kami nang malaman naming naroon din ang magaling na stylist na si Liz Uy. Si Liz kasi ang namahala sa pagdadamit ng ilang female stars ng Star Magic.
Hindi na kami nagulat when we were told na pasimpleng nag-iwasan ang mga babaeng na-link kay Papa Lloydie.
Wala naman daw outright na nag-isnaban. Basta very subtle lang daw ang mga hitad sa kanilang mga moves. ‘Yun tipo bang may poise pa rin ang mga lokah sa pag-iwas nila sa isa’t isa.
‘Kaw na ang maging John Lloyd!
JANUS DEL Prado plans to direct in the future.
This, he relayed to us during the launch of Sun Shorts (digital film showcase) ng Sun Life Financial-Philippines.
“Actually maraming offer sa akin to direct something. Kino-consider ko naman. Kailangan ko munang mag-aral. I’m planning to study writing kay Ricky Lee,” sabi ni Janus.
At twenty something ay pinaghahandaan na ni Janus ang kanyang future, isa na rito ay ang pag-aaral ng filmmaking. Pero ayon sa kanya, it will take time kasi gusto niya sa isang magandang film school mag-study.
First time ni Janus na makagawa ng short film at action type ang natoka sa kanya. But he was quick to explain na it’s not hardcore action. Nagkaroon lang ng konting aksyon when Janus’ character na isang resto owner ay nalugi.
“Pareho rin siya sa commercial. Konting eksena pero kailangang metikulosa ang pagkakagawa. Physically demanding siya, eh, kasi kailangan mo ng stamina.”
Sun Shorts will be shown starting July 25 as a series in www.experiencethesun.com.ph.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas