LIMANG ARAW ring nag-absent kami ng mag-iina ko sa Pilipinas at lumipad kami patungong Tokyo, Japan.
Siyempre, alam mo na. ‘Pag tatay ka, lahat ng ikaliligaya ng mga anak mo, ibibigay mo.
Disneyland, Disney Sea at Puroland (na puro Hello, Kitty ang ambience) ang ilan sa pinuntahan ng mga bagets.
Makita lang namin na masaya ang mga bata, hindi nila alam na mas masaya kami ng mama nila.
Lagi naming iniisip, mas magandang ngayon pa lang, magawa na namin ito dahil baka pagtanda’t uugod-ugod na ay hindi na kaya ng tuhod namin na samahan sila.
Itong trip na ‘to, pinag-ipunan ko talaga. Magastos, pero ayos lang. Kakayod na lang pagdating sa Manila.
At least, hindi naman ‘yung “Bahala na si Batman” kung me kakainin bukas o nganga kami.
Magsisipag nga lang talaga, dahil ang nakaamba namang gastusin ay ang school year. Kayod uli para me pang-tuition ang apat na anak.
‘Di bale, hangga’t buhay pa at kaya pang magtrabaho nang marangal, hindi tayo susuko alang-alang sa pamilya.
‘Yun naman ang dapat, ‘di ba?
KAHIT NASA Japan kami, umaabot ang balitang pinipilahan sa mga sinehan ang pelikula ni Vhong Navarro. And to date: umabot na ito sa P50M in just 5 days. Hindi na masama.
Ang karamihang comment na nababasa namin sa FB at twitter ay aliw sila sa Da Possessed, at ‘yung iba’y umulit din.
Wow! Happy naman kami for Vhong, dahil pagkatapos ng matinding pagsubok sa buhay ay muli siyang nakabangon, niyakap at patuloy pa ring tinatangkilik ng kanyang mga tagahanga.
Samantala, nabasa lang namin sa FB status ni Tony Calvento na isa sa kampo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee ay magsasalita na at nakatakdang isiwalat ang buong katotohanan sa nangyaring ordeal ni Vhong.
In short, babaligtad na ito at ididiin daw ang “mastermind”.
So ibig sabihin, unti-unti ay nakukuha na ni Vhong ang minimithing hustisya.
Na siya namang dapat mangyari.
Oh My G!
by Ogie Diaz