HABANG tumatagal ay lalong inaabangan ng mga Kapuso viewers ng hit drama series na “Kambal, Karibal”. Maituturing na ‘surprise hit’ ito ng GMA-7 after the success of the afternoon show “Ika-6 na Utos”. Maliban sa hindi pa talaga big stars ang main love team nito na BiGuel (Bianca Umali at Miguel Tanfelix), mga baguhan naman ang two other female leads nito na sina Pauline Mendoza at Kyline Alcantara.
Sa umpisa, si Bianca Umali bilang Crisan ang mabait at laging nagpaparaya. Ang kanyang tunay na kambal na si Crisel (Pauline Alcantara) ay namatay na ngunit ang kaluluwa niya ay hindi matahimik. Nang nasa bingit ng kamatayan ang bratinella na si Cheska (Kyline Alcantara), sumanib ito sa katawan ng dalaga.
Tumaas ang ratings ng palabas dahil sa effective na portrayal ng tatlong artista lalo na si Kyline Alcantara, na gigil kung gigil kung ito’y magmaldita bilang Crisel kay Crisan (Bianca Umali). Ang nakakatuwa, kahit na bruha mode ang karakter niya ay minahal siya ng mga tao at ang iba pa nga ay naiinis kay Crisan dahil masyado itong ‘pabebe’.
Ngayon ay may switch na ng characters. Si Bianca Umali na ang Crisel at si Kyline Alcantara naman ang Crisan. Ang dating mabait ay maldita na ngayon. Ang masama noon ay api-apihan ang peg.
Maganda ang ginagawa ng writers at directors ng programa dahil naipapakita nina Bianca at Kyline ang kanilang range bilang mga lead actresses. Puwedeng-puwede na sila for stardom.
Tila nakahanap na ang GMA-7 ng hahalili sa trono ni Marian Rivera na noon ay si Angel Locsin ang namayagpag.
Very limited ang screen time ni Pauline Mendoza, pero hindi rin ito nagpapatalo sa aktingan.
Congrats sa cast and crew ng Kambal Karibal dahil extended sila until June. Bongga!