SI DAWN Zulueta na raw ang ipinalit kay Maricel Soriano sa teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin.
Siguro para talaga kay Dawn ‘yun kaya nangyayari ang mga ganu’n. Sa totoo lang, parang mas gumanda pa nga ang casting.
Nakausap nga namin si Tonton Gutierrez na kasama rin du’n, ayaw niyang magkuwento ng buong nangyari. Basta ang akala lang daw niya, nagti-take sila nang may narinig siyang ganu’ng gulo. Pero akala raw niya maayos din. ‘Yun pala umalis na si Gerald sa taping.
Nakakasa na si Dawn sa teleseryeng ito at nakapag-look test na nga raw siya at pictorial. Nagpa-presscon na rin yata, kaya magri-resume na sila ng taping sa susunod na linggo.
Ang tanong ngayon, tuloy pa rin ba si Maricel sa ABS-CBN 2? May pi-nirmahan itong kontrata sa Dos at ang latest na narinig ko iri-rescind na raw?
Ewan ko lang kung maaayos ito ng Viva Films na nagma-manage sa kanya. Hanggang sa ngayon ay wala talaga silang statement at ang sabi ayaw raw talaga ni-lang magsalita.
Tingnan na lang natin ang susunod na magaganap.
NAKU! KINAKANTIYAWAN ako ng mga staff namin sa Startalk dahil meron na raw tatalbog sa akin sa pagkaharbatera.
Tinutukoy nila ang mahaderang bata ng Eat Bulaga na meron palang segment ito na nakakapangharbat siya sa audience.
Sa Hakot All You Can nila, meron siyang pa-Cha Cha du’n, tapos lalapit sa audience at sinasabihan niya kung puwede na raw ba siyang maningil.
Eh, tuwang-tuwa sa kanya ang mga taong nanonood, binibigyan siya ng pera. Meron pa nga raw na dollars ang binibigay sa kanya, at nu’ng kailan lang merong nagbigay sa kanya ng bracelet. Pagbalik daw niya ng stage, punung-puno na ang bitbit niyang bag ng pera at kung anu-anong binibigay sa kanya.
Mukhang tatalbugan nga ako sa panghaharbat day! Mas malaki yata ang nagetgetlak niya sa Eat Bulaga araw-araw.
Kaya lalong sumisikat ang batang ito dahil ang galing niya talaga at ang daling pumik-up ng instruction.
Meron na nga siyang commercial at ang alam ko, siya ang anak ni Vic Sotto sa bagong sitcom nito sa GMA 7 na Vampire ang Daddy Ko.
Puwede na raw pala makabili ng bagong kotse si Ryzza, pero ang kuwentong narinig ko, lilipat yata muna sila ng matitirhan dahil wala raw silang lugar na mapag-parking-an ng kotse sa tinitirhan nila ngayon.
Sa Tondo pa rin kasi ito nakatira at ang gusto na sana ni Ryzza, makalipat na sila ng bahay malapit sa Broadway studio ng Eat Bulaga para madali sa kanya ang pagpasok du’n araw-araw.
Tapos, kailangan din niya ng kotse dahil hirap nga siyang mag-commute at minsan binibigyan na lang ito ng service van ng programang nilalabasan niya.
Alam ko, inaayos ng Startalk na makapag-guest siya sa Sabado, para pagtapatin kami kung sino sa amin ang mas magaling mangharbat.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis