HINDI NAGMAMAYABANG si Piolo Pascual sa ginawang pagdo-donate niya ng 1 Million Pesos para sa rehabilitation ng Marawi na nagkaroon ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen na pakiwari nila ay nagmamayabang pa ang aktor.
Ayon sa isang panayam sa aktor, ang kaibigan at co-producer niya na si Bb. Joyce Bernal ang nagbigay sa kanya ng ideya.
“Nagsimula kasi ‘yan kay Joyce,” panimula ni Papa P.
Sabi niya, ‘Pagkakuha ko ng tseke ko sa Kita Kita, our pay, ibigay ko na. Sabi ko, ‘Sige, ako na rin. Gusto natin makatulong.
“So, from there, she shared with us the present plight of Marawi people, the bakwits, the evacuees, everyone was displaced, and it really broke my heart.”
Ang aktor at si Direk Joyce ang mga producers ng hakot sa takilya na super blockbuster movie na “Kita Kita” na pinagbidahan ni Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.
Kumbaga, they also want to share for a good cause.
Sa mga hindi nakakaalam, may iba’t ibang organization na tinutulungan ang aktor.
“Madali siya hilingan ng tulong lalo pa’t for charity,” kuwento ng kaibigang Ogle Diaz sa amin na as always ay sinusuportahan ng aktor ang KASUSU Foundation na isang charity organization para sa mga mayroong breast cancer.
May paniwala kasi ang aktor na malaki ang impluwensya nila as celebrities sa publiko. “It’s not all the time that it’s about us… you can probably use your influence to also encourage other people to help,” sabi ng aktor.
Gusto ng aktor na makatulong pero kung minsan ay hindi niya alam kung saan ibibigay at kung papaano.
Sa pamamagitan ni Robin Padilla na isa din sa punong abala sa pagtulong sa rehab ng Marawi City, naipaabot ni Piolo ang kanyang konting ayuda.
Paglilinaw lang. Hindi ang aktor ang nagmayabang sa cheque donation niya naka-post sa socmed. Proud lang si Robin na i-post niya ang tseke ng aktor sa kanyang personal IG account.
Reyted K
By RK Villacorta