FINALLY, NAKUHA na rin ng Pilipinas ang Miss World crown sa katatapos na coronation night nito held in Bali, Indonesia last Saturday night, September 28. Ang kinatawan ng bansa na si Megan Young ang kauna-unahang Pinay na nagwagi ng nasabing international beauty title.
Although sa simula pa lang ng Miss World pageant ay sinasabi ngang malakas ang laban ni Megan, the most na in-expect ng marami sa kanya ay ang makapasok man lang sa top 15. Sa loob kasi ng napakaraming taon na lumipas, since the pageant started, wari’y naging mailap nga kasi ang pagkakataon para sa mga naging Filipina delegates na manalo rito.
In the past, tatlong Pinay pa lang ang naging runners-up rito. Ang una ay si Evangeline Pascual na nakapuwesto noon bilang 1st runner-up. Sumunod ay si Ruffa Gutierrez bilang second runner-up noong 1993. At ikatlo ay si Gwendoline Ruais na 1st runner-up din noong 2011.
Ang rumored boyfriend nga ni Megan na si Mikael Daez, although hoping for the best siya para sa actress-beauty queen, hindi rin niya inakalang ito ang makapag-uuwi ng Miss World crown. Ang siniguro lang nito nang matanong about Megan’s chance of winning ay makapapasok ito hanggang top 3.
Sa unang bahagi ng coronation night, nasa number four ang ranking ni Megan among the delegates from 127 countries. Nang mai-announce nang siya ang nanalo sa Top Model Competition na isa sa apat na events kung saan ang winners ay automatic na pasok agad sa top 15 semi-finalists, umangat ang kanyang ranking into number one.
Dahilan para asahan na ng marami na pasok na siya sa top ten na siya ngang nangyari. Hanggang sa nakaabot siya as one of the five finalists kung saan kabilang sina Miss Brazil, Miss Spain, Miss Gibraltar, at ang nanalong second runner-up na si Miss Ghana at first runner-up na si Miss France.
Bago ang announcement ng winner, lumakas ang pakiramdam ng maraming Pinoy na nanonood ng telecast ng Miss World na parang si Megan nga ang tatanghaling Miss World 2013. Bigla kasing tinawag ng male host ng pageant ang ina ng actress-beauty queen at tinanong kung ano ang masasabi nito.
“If you get the crown… go ahead, honey. Go around the world and spread that kindness in your heart,” mensahe ng mommy ni Megan para sa anak.
Tanong pa ng host… what was the biggest advice that you gave her before she came here?
“Be kind. You can never go wrong with kindness.”
Palakpakan naman ang maraming audience na naroon sa venue ng pageant. Lalo na nang tawagin si Megan bilang Miss World 2013 winner na naging very emotional naman nang mahingan ng pahayag on the spot.
“No words. Uhm… Salamat sa mga kababayan ko. Mahal na mahal ko po kayo. Thank you so much to everyone for choosing me to be the next Miss World. It really means a lot to me. And I promise to be the best Miss World ever.
“You know I always tell everyone that I would just be myself in everything that I do, and to share what I know. And to educate people on what they could do also to help, is what I’m gonna do in this next year… And I’m very, very excited.
“Salamat. Salamat talaga sa aking mga kababayan na Pilipino. Para sa inyo ito.”
Congratulations, Megan! The whole country is so proud of you!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan