CHRISTMAS IS past approaching. Ang araw ng pagsilang ng tagapagligtas ng sanlibutan, si Jesus Christ. Isang mahalagang selebrasyon sa buong sangkatauhan na sumisimbulo ng pagmamahalan, pagbibigayan, pagpapatawaran, pagsasama-sama ng buong pamilya, kamag-anakan at mga kaibigan. Katulad ng pangkaraniwang tao, papaano at saan ba isiniselebra ng mga sikat na artista ang kanilang Kapaskuhan?
KATRINA HALILI: Nasa bahay lang ako, magsi-celebrate ako ng Christmas with my pets, hahaha! And my plants… medyo nahihilig kasi ako sa pag-aalaga ng mga ibon at halaman, sila lang ang kasama ko ngayon since nasa province ang family ko. Siguro I will just cook sa Christmas, nag-aral kasi ako ng pagluluto at iimbitahan ko ang mga close friends ko para sabayan ako sa pagkain.
KATHRYN BERNARDO: ‘Di po kami nagsi-celebrate ng Christmas tuwing Dec. 25 dahil na rin po sa religion namin (Iglesia ni Cristo), tsaka para sa amin po, everday is Christmas. Pero this Holiday Season, pupunta po kami sa province para um-attend ng reunion ng families ng dad at mom ko.
JUDY ANN SANTOS: Sa house lang kaming family this Christmas. Magluluto ako for them at sabay-sabay kaming magsisimba at kakain ng Noche Buena. Tapos pupunta kami kina Mommy (Carol) at sa family ni Ryan (Agoncillo).
NORA AUNOR: Ibang-iba ang magiging celebration ng Christmas ko ngayon, sobrang saya. Sa Amerika kasi, ‘pag Pasko, kumakain lang kami, tapos tulog na. Dito, parang araw-araw Pasko, araw-araw masaya.
Isi-celeberate ko ‘yung Christmas ko, kasama ang mga mahal ko sa buhay, ang mga kapatid ko, mga anak ko at mga apo ko. Sa tagal ng panahon na nasa Amerika ako, ito lang ‘yung pagkakataong makakasama ko sila ulit ngayong Pasko.
SUNSHINE DIZON: Pareho lang last year, I’m going to celebrate it with my family (Tim and Doreen) kasama ng mommy ko (Dorothy) dito sa Pampanga. Sabay-sabay kaming magsisimba at kakain ng Noche Buena.
SHEENA HALILI: Dito lang po kami sa Pampanga with my family, sabay-sabay na magsisimba at magno-Noche Buena. Nakaugalian na po kasi namin na tuwing sasapit ang Pasko dapat magkakasama kami!
RHEN ESCANO (Tween Hearts): Baka sa bahay lang kami mag-Christmas this year kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. At sana, dumating ang aking special someone para mas maging maganda at makulay ang Christmas ko. Member kasi ako ng samahang malamig ang Pasko, hehehe!
ERICH GONZALES: This coming Christmas, uuwi po kami sa Davao at doon magse-celebrate ng Christmas, nandoon kasi ‘yung mga kamag-anak namin at mga kaibigan.
AARON VILLAFLOR (Gigger Boys): I’ll spend more time with my family this coming Christmas. Minsan lang kasi kaming magkasama-sama. Since nag-artista ako, rito na ako naglagi sa Manila, at minsan na lang makauwi ng Tarlac, kung saan nandoon ang mama at papa ko, pati mga kapatid ko. Kaya naman uuwi ako roon at magsasama-sama kami ngayong Pasko.
IZA CALZADO: This Christmas, life goes on. But of course, I still miss my father. I miss my dad. You know, things will never be the same, but life goes on. Malalaman ko lang siya kung paano, pagdating ng Pasko, emotionally. Pero‘yung mga gifts, pine-prepare. Pero, parang siguro, hindi pa masyadong nagsisink-in [sa akin na wala siya]. But like I’ve said, there’s a big gap. There will be something missing and it’s going to be felt for sure. But it’s okay, that’s life.
KRISTOFFER MARTIN: This Christmas, dito lang ako sa bahay kasama ang pamilya ko, every Christmas kasi hindi namin nakaugaliang lumabas. Sabay-sabay kaming nagsi-simba, nagno-Noche Buena at nagbubukas ng mga regalo.
MARK HERRAS: Right now kasi wala pa kaming plano kung saan kami magpa-Pasko, pero kahit saan basta-sama-sama kaming Pamilya okey na sa akin yon, tapos pupunta ako sa bahay nina Ynna (Asistio) para mag-celebrate din sa kanila ng Christmas.
HIRO MAGALONA: Sa bahay lang siguro ako magse-celebrate ng Christmas kasama ang pamilya at mga kamag-anak. Nakaugalian na kasi naming magkakamag-anak na magkakasama sa Christmas, tapos baka pumasyal din ako sa mga kaibigan ko.
KIM KOMATSU: Wala pang plano kung saan kami magse-celebrate ng Christmas, siguro sa bahay lang kami buong Pamilya.
TEEJAY MARQUEZ: Sa bahay lang kami magse-clebrate ng Christmas, sabay na magsisimba at magno-Noche Buena, tapos pumapasyal kami sa mga kamag-anak namin kinaumagahan.
SARAH GERONIMO: House lang po namin, tuwing sasapit kasi ‘yung Pasko nasa bahay lang kami sama-samang buong pamilya.
DIREK LOUIE IGNACIO: Sa bahay lang siguro, pahinga na rin sa sobrang daming trabaho, wala naman kasi akong plano na mangibang-bansa.
BENJAMIN DE GUZMAN (Gigger Boys): Every Christmas, nasa house lang kaming buong pamilya. Minsan bumibisita kami sa mga kamag-anak namin. Ito kasi ‘yung espesyal na araw na dapat sama-sama kami.
SHALALA: Same routine lang kami every year, sabay-sabay kaming nagsisimba at kumakain ng Noche Buena at binibigay ko ‘yung mga regalo ko sa kanila na katas ng mga blessings na natanggap ko ngayong buong taon.
BEA BINENE (Tween-hearts): Nasa bahay lang po kami nagse-celebrate ng Christmas, tapos sabay-sabay po kaming nagsisimba. Tapos pumupunta kami sa bahay ng lola at lolo ko.
ARNELL IGNACIO: Kasama kong nagsi-celebrate ng Christmas ang aking pinakamamahal at lovely daughter na si Pie, sabay kaming nagsisimba at kumakain ng Noche Buena at pumupunta kami sa house ng Daddy ko.
MIKE TAN: Baka sa Tagaytay o sa Bulacan, baka doon kami magse-celebrate ng Christmas ngayong taon.
JILLIAN WARD: ‘Di ko pa alam kay Mommy kung saan kami magki-Christmas. Pero nagsisimba po kami para mag-thank you kay baby Jesus at maraming pagkain at maraming gifts na toys.
VANESS DEL MORAL: Baka umuwi po ako ng Baguio para roon mag-celebrate ng Christmas. ‘Yung family ko kasi, naka-base sa Baguio. Medyo matagal na rin kasi akong hindi nakakauwi, kaya sasamantalahin ko na this Christmas.
RYZA CENON: Sa house lang po, wala naman po kaming pinupuntahan ‘pag Christmas, bale sa bahay lang po kami, sama-samang nagno-Noche Buena at nagsisimba.
LJ REYES: Iba na po today, kasi may pamilya na ako. Kung dati-rati, pumupunta ako sa Amerika to celebrate Christmas with my Mom, ngayon kasama ko ang family ko (Paulo Avelino and Aki) this Christmas.
VANGIE LABALAN: Papunta akong Australia para mag-Celebrate ng Christmas doon sa anak ko at mga apo ko.
JAKE VARGAS: Sa bahay lang po siguro, mahirap kasing mag-celebrate ng Christmas, dahil kamamatay lang ni Mama, parang ang hirap magsaya. Siguro, magsisimba lang kami kasama ang mga kapatid ko at sabay-sabay na kakain.
GERMAN MORENO: Katulad pa rin ng dati, nagsi-celebrate ako ng Christmas kasama ang pamilya ng anak kong si Federico at mga apo ko, sabay-sabay kaming nagsisimba at kumakain.
Parazzi Chikka
Parazzi News Service