Saan Magsi-Celebrate ng Kapaskuhan Mga Kilalang Personalidad?

CHRISTMAS IS fast approaching. Ito ang araw ng pagsilang ng tagapagligtas ng sanlibutan, si Jesus Christ. Isang mahalagang selebrasyon sa buong sangkatauhan na sumisimbolo ng pagmamahalan, pagbibigayan, pagpapatawaran, pagsasama-sama ng buong pamilya, kamag-anakan at mga kaibigan. Katulad ng pangkaraniwang tao… papaano at saan ba isiniselebra ng mga sikat na artista ang kanilang Kapaskuhan?

Angel Locsin – Sa Boracay po ako mag-spend ng Christmas. Pagkatapos na pagkatapos ng MMFF Parade of Stars, biyahe kaagad ako doon. Makakasamako po ng ilang araw roon si Daddy, ‘yung dalawang kapatid ko, at ilang malalapit na kaibigan .

Erich Gonzales – This coming Christmas, ‘pag walang trabaho baka umuwi ako ng Davao. Pero ‘pag meron, baka dito ako sa Manila. Baka lumuwas na lang dito ‘yung family ko.

Jolina Magdangal – Baka sa bahay lang kami mag-Christmas this year, kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Tapos pupunta kami kina Daddy at Mommy at sa pamilya ng asawa ko.

Ogie Alcasid – Every year, sa Australia ako nagse-celebrate ng Christmas, pinapasyalan ko ‘yung mga anak ko, and this year kasama ko ang family ko (Regine and Nate).

Nora Aunor – ‘Di ako babalik ng Amerika ngayong Pasko, dito ako sa Pilipinas magpa-Pasko kasama ng mga kapatid at  anak ko. Sabay-sabay naming ipagdiriwang ang Kapaskuhan. Medyo matagal-tagal na rin kasing ‘di ako nakapag-celebrate ng Pasko dito sa Pilipinas since nanirahan ako nang matagal sa Amerika.

Paulo Avelino – As of now wala pa naman pong plano, baka sa bahay lang kami ni LJ (Reyes) at baby namin na si Aki, sabay na magsisimba at magno-Noche Buena.

LJ Reyes – Dito lang siguro sa bahay kasama ng pamilya ko (Paulo Avelino at Aki ), magsisimba kami at sabay-sabay na kakain ng Noche Buena.

Sunshine Dizon-Tan – Same as last year I’m going to celebrate my Christmas with my family (husband Tim and kids Antonio & Doreen Isabel) with my mom (Dorothy Dizon), sa bahay lang dito sa Angeles, Pampanga. Sabay-sabay kaming magsisimba at magno-Noche Buena at magbubukas ng regalo.

Sheena Halili – Wala naman pong nabago. Kung ano ‘yung nakaugalian namin simula pa noon, ‘yun pa rin ang ginagawa namin. Sa bahay lang kami sa Pampanga with my family. Sabay-sabay na magsisimba at mango-Noche Buena. Tuwing sasapit ang Pasko, dapat magkakasama-sama kami, ‘yun bale ‘yung nakaugalian na namin.

Arron Villaflor – This year, I’ll spend more time with my family this coming Christmas. Minsan lang kasi kaming magkasama-sama. Since nag-artista ako, dito na ako naglagi sa Manila at minsan na lang makauwi ng Tarlac, kung saan nandon ang mama at papa ko, pati mga kapatid ko. Kaya naman uuwi ako roon at magsasama-sama kami ngayong Pasko.

Atty. Ferdinand Topacio – This Christmas, dito lang ako sa bahay kasama ang pamilya ko. Every Christmas kasi, hindi namin nakaugaliang lumabas. Sabay-sabay kaming nagsisimba, nagno-Noche Buena at nagbubukas ng mga regalo.

Mark Herras – Sa ngayon kasi wala pang plano. Baka sa bahay lang kasama ang family. Sabay-sabay kaming nagno-Noche Bueana at nagbibigyan ng regalo.

Benjamin De Guzman – Sa bahay lang siguro ako magse-celebrate ng Christmas kasama ang pamilya ko, tapos  baka pumasyal din ako sa mga kaibigan ko.

Teejay Marquez – Wala pang plano kung saan kami magse-celebrate ng Christmas, siguro sa bahay lang kami buong pamilya at relatives.

Hiro Magalona – Sa bahay lang kami dito sa Pampanga magse-clebrate ng Christmas. Sabay na nagsisimba at nagno-Noche Buena. Tapos pumapasyal kami sa mga kamag-anak namin kinaumagahan.

Meg Imperial – House lang po namin. Tuwing sasapit kasi ‘yung Pasko, nasa bahay lang kami, sama-sama ang buong pamilya.

Kcee Martinez (UPGRADE) – Sa Bulacan kami nagse-celebrate ng Christmas sa piling ng mga kamag-anak namin. Sabay-sabay kaming nagno-Noche Buena at nagkakantahan ng mga kantang Pamasko.

Direk Louie Ignacio – Sa bahay lang siguro, pahinga na rin sa sobrang daming trabaho. Wala naman kasi akong plano na mangibang-bansa.

Gina Damaso (beauty queen/singer from Canada) – Every Christmas, nasa house lang kaming buong pamilya. Minsan bumibisita kami sa mga kamag-anak namin. Ito kasi ‘yung espesyal na araw na dapat sama-sama kami.

Joven Moreno – Nasa bahay lang po kami nagse-celebrate ng Christmas, tapos sabay-sabay po kaming nagsisimba. Tapos pumupunta kami sa bahay ng lola at lolo ko.

Mike Tan – Baka sa Tagaytay o sa Bulacan, baka doon kami magse-celebrate ng Christmas ngayong taon.

Ryza Cenon – Sa house lang po, wala naman po kaming pinupuntahan ‘pag Christmas. Bale sa bahay lang po kami, sama-samang nagno-Noche Buena at nagsisimba.

Arkin Del Rosario (XLR8)- Sa bahay lang kasama ang lola at ate ko, sabay kami na kakain at mag-o-open ng regalo.

Alfred Vargas – May gift-giving ako with the street children of Novaliches on Christmas day itself. Gusto kong ibalik sa tao ang binibigay na blessings ni God. Then I’ll spend time with my family na after nu’ng activity.

Shalala – ‘Pag Christmas sa bahay lang ako, kasi daming inaanak, pamangkin at apo. May kapitbahay pang mga bata na binibigyan ko ng konting gifts. Bale reunion na rin naming magkakapatid ‘yun, give ako ng gifts and dats (pera). Tapos sabay-sabay kaming nagsisimba.

Lexi Fernandez – Sa bahay lang po kami nagsi-celebrate ng Christmas, magluluto si Mama at kakain kaming pamilya.

Iwa Moto – This Christmas, magsi-celebrate ako ng Christmas with Pampi (Lacson) at pamilya nito sa Hong Kong. Bale  nandu’n kami from December 25 until December 30.

Arjo Atayde – We celebrate Christmas sa bahay magkakasama kami, sabay-sabay na kumakain , tapos early in the morning bumibisita kami sa relatives namin.

Sylvia Sanchez – Kapag Pasko, magkakasama kaming buong pamilya, nagluluto ako para pang-Noche Buena namin at sabay-sabay kaming kumakain.

Kristoffer Martin – Nasa Olongapo kami sa Christmas, magkakasama kaming magpapamilya na nagsisimba at kakain ng niluto ni Mommy na Noche Buena. After eating, nagbibigayan kami ng regalo at sabay-sabay naming bubuksan.

Arnell Ignacio – Every year, same routine lang kung papa’no namin sine-celebrate ‘yung Christmas. Kasama ko ang anak ko, sabay kaming nagdarasal at nagno-Noche Buena, tapos kinabukasan pumupunta kami sa bahay ng daddy ko.

Raymond Manuel – We celebrate Christmas nang sama-sama, sabay-sabay kaming nagsisimba at kumakain ng Noche Buena.

Clickador

By John Fontanilla

Previous articleIsang Karumal-Dumal Na Pagpatay Sa Mga Batang Paslit
Next articleAnne Curtis does the ‘Tom Jones’

No posts to display