NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Isa po akong reloacatees galing sa lungsod ng Makati at dinala kami sa Trece Martirez, Cavite. Ang concern po namin ay hindi pa rin ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P18,000.00 financial assistance namin na ipinangako sa aming mga mare-relocate ng nasabing ahensya. Noong February 2016 pa po na-demolish ang aming tirahan pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang assistance na ipinangako nila na magagamit namin para magamit na pansimula sa bagong lugar na titirahan namin. Hirap na hirap na po kami sa pag-comply ng mga requirements na paulit-ulit na lang kaming kumpleto na tapos ipapaulit pa po nila ulit. Sana po ay matulungan ninyo kaming mabigyang-linaw kung ano na ang nangyari sa financial assistance namin. Salamat po.
Irereklamo ko lang po ang San Roque National High School sa Antipolo City dahil naniningil sila nang halos P350.00 sa bawat estudyante para sa iba’t ibang bayarin sa eskuwela.
Ire-report ko lang po itong school dito sa Angat, Bulacan. Ito po ang Matias Fernando Memorial Elementary School. Kumukolekta po sila ng P100.00 bawat parents dahil ipambibili raw ng electric fan at ilaw.
Isusumbong ko lang po ang JP Melencio Memorial Elementary School dahil grabe po silang maningil sa mga estudyante. Umaabot nang halos P500.00 ang kanilang sinisingil sa isang baya. Dito po ito sa Cabanatuan City.
Hihingi lang po sana ako ng tulong tungkol po sa anak ko na nag-aaral sa Manuel L. Quezon sa Commonwealth, Quezon City dahil naniningil sila ng tig-P300.00 sa mga estudyante para ipa-tiles daw ang classroom.
Isa po akong concerned parent dito sa Bagong Silangan Elementary School. Irereklamo ko lang po ang nasabing eskuwela dahil sa paniningil sa mga bata ng project tulad ng P50.00 bawat estudyante para sa cabinet. Bukod sa cabinet ay may sinisingil pang para sa electric fan at may mga paninda pa po sa tray na pinipilit ang mga estudyante na bumili.
Ilalapit ko lang po ang problema ng mga magulang gaya ng mga bayarin sa school tulad ng P200.00 para sa PTA, P50.00 sa miscellaneous fee, P200.00 para sa security, P60.00 para sa school paper, P40.00 para sa boy/girl scout fund, P10.00 para sa red cross atbp. Dito po ito sa Luna Central School sa Isabela.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 nn.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo