ANG MAHIGIT 200 taong pag-aari ng mga Sultan sa Sabah ay kasalukuyang nauwi sa isang standoff sa pagitan ng royal army ni Sultan Kiram at ng mga Malaysian forces. Naulat na bago pa man nagsimula ang sigalot, ang pagsugod ng mga grupo ng Sultan na lumaon ay nilahukan pa ng MNLF ay humingi ng mayapang negosasyon sa Malaysia sa pamamagitan ng gobyernong Aquino.
Patunay ito ng sulat na binalitang natanggap n DFA Secretary Albert del Rosario, na umaming hindi na niya ito nai-forward sa Pangulo, bago pa man siya tumungo sa Malaysia sa usaping peace negotations. Kasama bilang emisaryo ng ating bansa ang mga usapin tungkol sa konsiderasyon sa pagpapauwi ng mga kababaihan, kabataan at sibilyan na hindi sangkot sa kaguluhan, unconditional surrender ng mga sinasabing rebelde ng Malaysian government at iminimize ang casualties na maari pang magpalala ng hidwaan.
Subalit ang mapayapang resolusyon ay nanatiling sikreto ang mga detalye at ayon sa gobyerno ay patuloy na hinihintay ang patutunguhan. Sa kabilang banda, naulat ding ayaw ng Malaysia sa anumang negosayon sa ngayon at muli ay umatake sa pamamagitan ng air strikes. Dahil ayon sa kanilang panig, ang pagpupugot ng ulo sa ilang kanilang kasamahan ay isang act of terrorism na inulat ding sinang-ayunan ng ating DFA secretary, na itinatangi naman ng royal army ng Sultan. Subalit, nilinaw niyang hindi terorista ang Muslim nating kababayan sa Sabah, kundi ang kanilang “aktong pamumugot” lamang ang sinang-ayunan ng dalawang panig ang statement na ito. Samantala naman, ang pagsugod ng Malaysian forces pagkatapos niyang makauwi ng bansa ay walang kinalaman sa kanilang usapan kundi personal itong dahilan ng Malaysian authorities.
Sa mga naunang pahayag ng Pangulo ayon sa pananaw ng parte ng Sultan sa Sabah, hindi naisaalang-alang ang kanilang ipinaglalaban, kundi nagpahiwatig na kakampi pa niya ang Malaysia at ang ating pamahalaan. Dahilan sa kinukondena diumano ni Aquino ang pananatili ng mga Muslim nating kababayan sa Sabah at nagwikang ipakukulong pagkauwi ang sinumang kumilos ng laban sa gobyerno ng Malaysia. Bagay naman na isantabi natin ang pansariling pananaw ng Pangulong Aquino. Tila mahirap din ang kalagayan ng Pangulo sa ganitong katayuan gayong agresibo na ang Malaysia sa kanilang hangaring ubusin ang binibintangan nilang mga terorista.
Sa kabilang banda, mainam na pinaniniwalaan ng mga grupo ng Sultan na silang mga Muslim ay Pilipino at sa mismong dila ni Sultan Kiram “unang mga Pilipino”. Historically ito ay tama, sapagkat bago pa man tayo sinakop ng mga Kastila ay may mga Sultan at kaharian na tayo, at tanging ang mga kababayan nating Muslim lamang ang hindi nagpasakop sa Katolisismo, bukod sa mga tribong pumanhik ng bundok. Naniniwala naman akong sila Kiram ay hindi tunay na laban sa gobyerno ng ating bansa dahil sa kanyang pahayag, bagama’t lumalaban sila para sa kanilang kinagisnang kultura at lupain.
Marahil hindi na usapin ang kinagisnan nilang paniniwalang relihiyon sapagkat katulad ng mga Sultano, ang mga Malaysian din naman karamihan ay mga Muslim. Sa ganitong sitwasyon, maaari nating sabihin na pansariling interes ang ginawang pagpasok ng royal army sa Sabah, na lingid sa ating pamahalan ay tila nag-uudyok pa ng mas malaking gulo na darating. Kung hindi tayo maingat sa ganitong sitwasyon, papa’no pa ito bibigyang resolusyon ng ating pamahalaan?
Ngunit ang isang ama ay handang gumitna sa anumang panganib na kinakangsakutan ng kanyang anak. Ang mga Muslim na Pilipino ay mga anak din ng ating pamahalaan at atin din namang mga kapatid kaya dapat din naman natin silang tulungan at suportahan. Ngunit kung maaari, sa mapayapang negosasyon, at ang ating pangulo ang pangunahing gagawa ng tunay hakbangin upang hindi na lumala ang sigalot sa bawat panig ng royal army at ng Malaysian goverment.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions: e-mail. [email protected]. cp# 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia