SOBRANG NA-AMAZE daw ang Acoustic Sweatheart na si Sabrina dahil hindi nito inakala na kilala siya sa Korea at sa iba pang Asian countries.
Hindi nga raw maiwasan nitong pagtaasan ng balahibo dahil sa recent guesting nito sa Asian Song Festival sa Korea, kung saan 200,000 ang nanood at isinisigaw ng mga tao ang kanyang pangalan.
May isang sikat na boy band pa nga raw sa Korea ang nakipag-collaborate sa kanya, ang B1A4, na matagal na palang gusto siyang makasamang umawit .
Nag-iisang Filipino raw si Sabrina sa naimbitahan sa nasabing song festival at ang iba ay ang mga sikat na mula sa iba’t ibang bansa sa Asya.
Grand finals ng Questors Dance Battle ng Bee Happy Go Lucky successful
NAGING NAPAKATAGUMPAY ng katatapos na grand finals ng isa sa inaabangang segment sa YouTube variety show na “Bee Happy Go Lucky”, ang Questors (Choreographers Dance Battle), kung saan limang choreographers ang naglaban-laban kasama ng kanilang mga crews na ginanap sa Luneta Open Theater last Oct. 30.
Bukod sa hatawan sa sa dance floor ng limang kalahok, hindi rin naman nagpatalbog ang mga artists ng SMAC at mga hosts ng nasabing variety show na sina MashUp Princess Angelica Feliciano, Cyber Princess Mary Joy Apostol, Gawad Kabataan ambassador Justin Lee, Urico, Yna Magenda, Coach Zen, Rain Calaunan, Recks, atbp. dahil may kanya-kanya rin silang mga production number.
Naghandog din ng bonggang-bonggang production number ang mga kalahok sa Gawad Kabataan Survivor 101 na sina Mac-Rajham Evia, Russiane Jandris Flores, Geo Enriquez, Keith Russel Flores, at Avenel Tababa. Habang nag-perform din ang child actor na si Timmy Lambert Chan at ang grupong Way Up.
Aliw na aliw kami sa husay sa pagho-host ni Yna Magenda na talaga namang nakuha ang kiliti ng mga taong naroroon na hindi magkamayaw sa katatawa sa bawat banat nito.
Wagi ang grupong X Force dance company, 1st place ang FMD Kids, 2nd place ang Guild of Dancers,3rd place ang J Crisis, at 4th place Royal Dance Elite.
John’s Point
by John Fontanilla