SA ATING nakaraang kolum, isang OFW ang lumiham sa atin tungkol sa ‘di maayos at magaspang na trato sa kanya ng isang tauhan ng POEA. Narito ang tugon mula sa administrator ng POEA na si G. Hans Cacdac:
Dear Sir, I read your latest release about the complaining domestic worker who was badly treated by one of our employees. We would be interested to know more about this case po and rest assured we will hold the subject employee accountable for any misdeed he or she may have committed. I just noticed that the name of the employee was left blank. It would help if we knew his or her name so we can get to the bottom of it. Please advice po. Admin Hans.
Attention: OWWA
NOON NAMANG nakaraang Sabado, panauhin natin sa radio program namin ni Sarah Balabagan ang isang OFW na mag-iisang taon nang nagpapaproseso ng kanyang application sa OWWA para sa livelihood assistance sa ilalim ng programang ito. Sa dulo, na-reject ang kanyang application sa kabila ng pagiging kumpleto ng kanyang requirement. Ang dahilan: hindi raw maganda ang Business Plan. Pinayuhan siya na umarkila ng isang consultancy group na mahusay gumawa ng business plan. Panibago na namang raket ito ng mga nais magsamantala sa mga OFW.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo