IN LOVE TO the max ngayon si Saicy Aguila sa bago niyang boyfriend na taga-Mindoro. Keber kung magpabalik-balik siya sa probinsiya ng dating asawa ni Priscilla Almeda. Palibhasa mayaman at guwapo kaya naloloka ang beauty ng dalaga sa lalaking ito.
Bakit kamo? Monday to Saturday, trabaho muna si Saicy sa Wowowee. After the show ng Saturday, wala rin lang raket, fly na ang beauty nito sa Mindoro para makapiling ng ilang araw ang lalaking nagpapatibok raw ng kanyang puso! Early Monday, balik-Manila na ang dalaga para sa Wowowee.
Laging ganito raw ang drama ni Saicy, walang kapaguran ang sexy dancer masilayan lamang ang lalaking mahal niya. Ang tanong: Mahal ba naman siya nito? Baka “Init Sa Magdamag” lang ang gusto sa kanya ng mhin na ito.
Tuwing napapanood nga namin si Saicy sa nasabing noontime show, it shows kung gaano kaseksi ngayon ang dalaga sa kanyang pagsasayaw, nakaka-L talaga kahit hindi siya kagandahan! “Madiligan ka ba naman every weekend, natural feeling mo nasa heaven ka,” tsika ng aming source.
NGAYONG MIYERKULES, MAGSASANIB-PUWERSA ang pinakasariwang mga balita at modernong teknolohiya na hatid ng bagong TV Patrol at Bandila sa ABS-CBN. Kasama ang broadcast journalist na sina Ted Failon, Karen Davila at Julius Babao sa bagong TV Patrol. They will anchor the newscast on weeknights, while Bernadette Sembrano and Alex Santos will take over on weekends. Bubulatlatin nila ang mahahalagang isyu sa paghahatid ng mas maraming investigative reports, mas malalim na pagtalakay sa mga isyu-pulitikal ni Lynda Jumilla, at panibagong segments tulad ng Sports Patrol.
Isusulong ng TV Patrol ang segment na “Bayan Mo, I- Patrol Mo” wherein citizens will now be involved in finding solutions to the problem in their own communities with reporter Sol Aragones. Mayroon rin serbisyong publiko sa pamamagitan ng espesyal na mga public service segment na “Lingkod Kapamilya” sa programa at pagbuo ng isang public service center.
Malaking pagbabago rin ang hatid ng late night newscast na “Bandila” nina Henry Omaga Diaz at Ces Oreña-Drilon. Mas malalim at makabuluhan ang hatid ng programa sa mga paksa tulad ng consumerism na iuulat ni Alvin Elchico at malalim na talakayan tungkol sa pulitika na ihahatid ni Lynda Jumilla.
Sa presscon hindi maiiwasang mapag-usapan na maka-Aquino ang broadcast news organization dahil malaki raw ang utang na loob ng mga Lopez sa dating Presidente Cory Aquino. Agad naman nilang sinagot ang issue tungkol dito. Wala silang kinikilingan, inilalabas lang nila ang katotohanan tulad ng pangyayari sa libing ni Madam Cory at kay Willie Revillame. Kinukuha nila ang pahayag ng magkabilang panig para malaman ng viewing public ang katotohanan kaya nga patuloy silang number 1 sa survey. Maging ‘yung dialogue ni Baby James tungkol kay Manny Villar ay wala rin silang takot na ibinalita ito. Hindi ba’t nag-react si Kris Aquino sa bumubuo ng TV Patrol at Bandila?
FOR THE FIRST time magkakasama bilang hosts ang gay icons glamorous contravidas na sina Cherie Gil at Jean Garcia sa Grand Coronation Night ng Mr. Gay World- Philippines on July 17, 2010, 9 P.M. sa Metro Bar at West Avenue, Quezon City. Excited na ibinalita ni Direk Ronald Carballo na hindi sila nahirapang mapapayag ang dalawa. Maging ang TF (talent fee) hindi naging problema kaya agad silang pinagawan ng gown nina Direk Ronald at Noemi Alberto (producer) for the show for free.
On the night of the show, magtatarayan, magbabatuhan ng maaanghang na dialogue sina Cherie at Jean na ikagugulat ng manonood. Feeling mo para kang nanonood ng live teleserye on stage pero at the end of the show magki-kiss and make-up din ang magkaibigan.
The grand winner will get a lot of prizes and will represent the country in Mr. Gay World Pageant in March, 2011. Produced by Noemi Alberto, Dennis Sebastian and Mac Bordallo under Winstruck Entertainment Productions, choreographed by Archie Zobel; Stage Direction by Rodgil Flores; Overall Direction by Ronald Carballo.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield