BILIB KAMI sa pagiging straight forward -ni Andi Eigenmann. Hindi niya itinatanggi na hanggang ngayon mahal pa rin niya si Jake Ejercito kahit hiwalay na sila. Maintriga ang naging takbo ng kanilang relationship na humantong sa pag-aawayan ng
kanilang magulang na sina Jaclyn Jose at Laarni Enriquez. Marami ang nadamay, nasaktan, kaya’t minabuti ni-lang wakasan na ang kanilang relasyon sa ikatatahimik ng kanilang pamilya.
Siyempre, masakit para kay Andi ang paghihiwalay nila ni Jake. Pero kailangan niyang tanggapin na ganu’n talaga. Ang importante, minahal siya ng binata. kaya lang, hindi nito naipaglaban ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
Kung sakaling humingi ng second chance si Jake, willing si Andi na tanggapin Muli siya kung ipaglalaban nito ang kanilang pagmamahalan at tatanggapin silang mag-ina. Kung hindi pa ready si Jake, mas mabuting friends na lang sila.
As of now, career muna ang prio-rity ni Andi para sa magandang kinabukasan ng kanyang anak. Sunud-sunod ang movie project niya sa Viva Films, kasalukuyang tinatapos niya ang pelikulang Mama Mia nina Maricel Soriano at Eugene Domingo sa direksiyon ni Wenn Deramas. Puring-puri nga siya ng box-office director sa pagiging professional nito.
“As an actress, anak nga siya nina Jaclyn Jose at Mark Gil, walang dapat patunayan,” say ni ng box-office director.
PINANOOD NAMIN ang true-to-life story ni Kristoffer King sa Magpakailanman ng GMA-7, last Saturday. Mala-teleseryeng totoo ang naging buhay ng indie actor na ginampanan ni Aljur Abrenica. Dating macho dancer sa isang gay bar bago naging artista sa tulong ni Dennis Adobas.
Sa first indie film, Ang Babae Sa Breakwater, na nilabasan ni Kris, nominated agad siya sa Urian for Best Actor. Kahit hindi nanalo, kinakitaan agad ito ng galing sa pag-arte. Maging sa pelikulang Serbis ni Coco Martin na dinirek ni Brillante Mendoza, pawang papuri ang kanyang natanggap mula sa mga kritiko dito at maging sa ibang bansa.
Hindi ikinahiya ni Kristoffer ang mga pinagdaanan niya sa buhay. Bagkus, na-ging daan pa ito para ma-ging matatag, para buhayin ang kanyang pamilya. Nakapanghihinayang nga lamang na ang isang tulad niya, isang magaling na actor ay hindi mabigyan ng break sa telebisyon. Bakit nga ba?
Speaking of Aljur, bagay sa kanya ang pagiging macho dancer, almost perfect ang physically fit na katawan ng hunk actor. Actually, very challenging ‘yung role na ginampanan niya. Maraming highlight ang nasabing true-to-life drama. Nakakaarte naman ang dyowa ni Kylie Padilla, kahit medyo hirap sa mga dramatic scene. Pini-pilit naman nitong mabigyan ng justification ang role na kanyang pino-portray. Kailangan sigurong isabak si Aljur sa mga drama series ng Kapuso Network para lalong mahasa at lumabas ang totoong talent niya as an actor.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield