Sakit sa puso ni Willie Revillame, pinalalala ng sobrang galit

INIINTRIGA NGAYON si Kean Cipriano. Me girlfriend daw talaga ito at hindi totoong kay Alex Gonzaga umiikot ang mundo ng lead vocalist ng Callalily Band.

May nabasa kami sa isang dyaryo recently na sa totoong buhay, si Alex ay may non-showbiz boyfriend. So kung si Kean ay me girlfriend, pareho lang sila.

So walang naglolokohan. Hindi sila nag-eeklatan, dahil pareho silang merong dyowa, tama? Kaya kawawa naman si Kean kung pagbibintangan itong “namamangka sa dalawang ilog.”

Anyway, kung pinagbibintangan man ng kung ano-ano si Kean, isa lang ang ibig sabihin niyan: ang laki ng notes mo, p’re!

SO, ANG BASA namin. Matapos “talakan” on air ni Willie Revillame sa Willing-Willie ang kaibigang si John Estrada (dahil nga tinanggap nito ang isang bagong noontime show sa Dos), naospital o nagpaospital si Willie.

Sa YouTube na lang namin napanood ang “talak” ni Willie habang kausap sa phone si John. Tumanggi na itong maging best man sa kasal nina John at Priscilla Meirelles sa Feb. 26 (pero open pa rin ang slot dahil dalawa naman silang best man ni Richard Gomez) matapos itong ma-disappoint sa naging desisyon nila ni Randy Santiago na subuking ibalik ang tandem sa Dos.

Kung kami kay Willie, hayaan na niya ang dalawang kaibigan. Maging masaya na lamang siya, dahil walang kaibigan niya ang “nakanganga” at naghihintay ng trabaho.

Wish them luck na lang kesa magsasalita ng, “Pag tinanggal na naman kayo diyan, ano na?”

Sa ganda ng career at suweldo ni Willie sa TV5, mas magandang ibalik na lang niya ito sa Diyos sa pamamagitan ng kaligayahan sa dalawang kaibigan.

ALAM NG LAHAT, si Willie ay may sakit sa puso. Sabi nga, kahit ano pang yaman mo kung hindi ka naman happy emotionally, bale-wala ‘yan.

Sa puso tinamaan si Willie. Marapat lang na ibigay niya kung ano ang ikaliligaya at ikalulusog ng kanyang puso. Alisin ang hatred, paghihiganti, pagtatanim ng sama ng loob sa kapwa at sa da-ting pinagtatrabahuhan.

Bawal sa kanya ang labis na pagdaramdam. Dapat, happy-happy lang ang buhay sa kanya. Bibigat ang puso niya pag nag-iimbita siya ng mga negative thoughts.

Hindi natin puwedeng ikatwiran na “kung mamamatay, mamamatay.” Pero kung hindi mo ii-ngatan ang sarili mo, mapapadali ka nga niyan.

Smile, Willie. Ipagpatuloy mo ang pagpapasaya at pagtulong sa tao. Tulungan mo rin ang puso mo na magpatawad at ‘wag magtanim ng poot sa kapwa, lalo na sa iyong kaibigan.

‘Wag mong lagyan ng pressure ang iyong puso bagkus joy, forgiveness at good vibes lang ang i-entertain mo. Dahil balewala ang mga gamot na pang-maintenance kung hindi mo tutulungan ang gamot para gumaling ang puso mo.

Love ko si Willie, dahil hindi naman kami magdadaldal ng ganito kung wala kaming pakialam sa kanya, ‘no!

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleALJUR ABRENICA AT KYLIE PADILLA, MAGSYOTA NA?
Next articleManny Pacquiao at Jinkee Pacquiao, Haharap kay Barack Obama

No posts to display