Saklaw ng medical exam

ANG AHENSYANG PINAG-APLAYAN ko ay napakaraming hinihinging dapat ipa-medikal. Nang kuwentahin ko ang mga gastusin ay napakamahal. Lahat po ba ay dapat kong ipa-exam? — Judy ng Calapan, Mindoro

HINDI DAPAT I-REQUIRE ng ahensya ang lahat ng uri ng medical examination. Ang dapat lang ipasuri ay yaon lamang hinihiling ng employer at tugma sa magiging trabaho.

Pagdating naman sa marino, ang medical exam ay dapat iniaayon sa mga pandaigdigang pamantayan dahil na rin sa internasyunal na katangian ng trabahong ito.

KELAN ITO DAPAT GAWIN?

KAA-APPLY KO PA lang sa agency ay hinihingan na ako ng medical. Kailan ba dapat isagawa ito? — Glen ng Malabon City

ITO AY DAPAT isinasagawa ng isang aplikante kung napre-qualify na siya at natapos na ang kanyang interview. Dapat din na may job order na para sa mga land-based o kaya’y crew order para sa mga sea-based worker.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].  

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

Previous articleMatch tayo!
Next articleMagsikentot kayo!; at ang P2-B loan ng Pasay

No posts to display