Saksi kina John Lloyd at Ellen: Miles Ocampo, no comment sa isyu ng dalawa!

Miles Ocampo

KASAMA ni Miles Ocampo sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa sitcom na “Home Sweetie Home” ng Kapamilya Network.

Miles plays the role of Toni Gonzaga’s younger sister at si Lloydie naman ay brother-in-law niya sa Saturday show.
 
Nang pumutok ang video ni Lloydie na parang may inioum na ”something” na hindi lang alak, ang mga malalapit sa aktor kaagad ang next in line na pwede mo mapagkunan ng inside kuwento.
 
Naging viral at sensational ang naturang video last week na mabuti na lang ay humupa na ang mga negative na usap-usapan tungkol sa pangyayari na malaki ang epekto nito sa imahe ng aktor.
 
Sa media launch ng suspense-horror movie ni Direk Prime Cruz for Regal Films ay nakausap namin si Miles at nagbigay siya ng kanyang opinion sa tungkol sa kanyang “Kuya”.
 
Paniwala ni Miles na wala siyang karapatan mag-comment sa video na naging viral sa internet.
 
Dahil sa social media like Instagram, Twitter at Facebook ay madali mahusgaan ang mga artista, paniwala ni Miles.
 
She believes na: “Ang social media po, may laking tulong but at the same time, meron din po siyang mga disadvantages.
 
May malaking advantage ang social media sa paniwala ng dalaga.“Unang-una, yung chance na mai-share namin kung ano kami sa normal na buhay, mag-interact with our fans.
 
“Pero siyempre yung disadvantages—yung konting makita online, kung ano ang makita at hindi naman nila alam kung ano ang buong nangyari, kung ano ang before and after na nangyari—nahuhusgahan po tayo,” sabi ni Miles na may almost 2.2 million followers sa kanyang “SocMed” account.
 
Miles Ocampo with Mother Lily

Kaya advise niya para iwas sa disadvantage effect ng SocMed ay: “Yung mag-iingat ka talaga kung ano ang ipu-post mo. Kung okey ba ‘tong i-post or hindi ba ito dapat i-post,” reminder niya sa lahat.

 
Sa ngayon, Miles is still in school sa UP Diliman at kumukuha ng Creative Writing at dahil sa kagustuhan na mas may karagdagan pa na kaalaman ay dumalo din siya sa klase ng pamosong manunulat na si Ricky Lee sa writing workshops nito.   
 
Ang bagong movie ni Miles together with other Star Magic “It Girls” like Sue Ramirez, Jane de Leon, Michelle Vito at Chanel Morales na “The Debutantes”.
 
Si Miles ay nagsimula as a child star sa kiddie show na Goin Bulilit.
Dating mga nagawang na pelikula ng dalaga ay  “A Very Special Love”; “You Changed My Life”  at marami pang iba.
 
In The Debutantes, she plays the role of Lara at showing na sa October 4 sa mga sinehan nationwide.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleChanel Morales, itinangging siya ang dahilan ng pagkalas ni Carl Guevarra sa ex-manager
Next articleDATING MAG-EX: Jerome Ponce at Elisse Joson, nag-iiwasan nga ba?

No posts to display