NASAAN NA nga ba si Mark Herras?
‘Yan ang tanong ng ilan sa mga avid Kapuso viewers noong araw na naninirahan na ngayon sa ibang bansa. Noon kasi ay si Mark Herras ang isa sa pinaka-visible na talents ng Kapuso Network. Salamat sa pagkapanalo niya bilang Ultimate Male Survivor sa kauna-unahang season ng reality-based artista search na Starstruck at pag-boom ng loveteam nila noon ng ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado, naging household names ang dalawa. Actually, lahat ng alumnis ng Starstruck noon reached a level of stardom. Halos lahat ng bata at teenagers noon ay may favorite member. Idagdag pa na lahat sla noon ay visible sa GMA-7 shows tulad ng Starstruck Playhouse, Joyride, SOP Gigsters at marami pang iba.
Lalo pang napabongga ang popularity nila nang magdesisyon din ang ABS-CBN na magproduce ng kanilang sariling artista search na Star Circle Quest o SCQ, kung saan nanggaling ang ngayo’y K-Pop Royalty na si Sandara Park. Ang rivalry ng dalawang grupo noon ay napaka-intense na nag-produce ng iba’t ibang youth-oriented shows and movies.
Bilang magka-loveteam ay nagkasama sina Mark Herras at Jennylyn Mercado o MarkJen sa mga sumusunod na pelikula: So Happy Together, Let The Love Begin, Say That You Love Me, Lovestruck, Blue Moon, Super Noypi at Tiyanaks.
On TV naman ang nagsama sila sa Click, Love to Love presents Duet for Love, Joyride, Encantadia, I Luv NY, La Vendetta at Rhodora X. Kahit na nagkahiwalay ang dalawa, sinusuportahan pa rin ng fans ang kanilang tambalan sa tuwing nagkakaroon sila ng reunion project. In short, maaasahan na kakagatin pa rin ang kahit anong proyektong ibigay sa kanilang bilang magka-loveteam kahit na matagal na silang hiwalay.
Maliban sa tambalan nila ni Jennylyn ay kinilala rin bilang ‘Bad Boy ng Dancefloor’ si Mark. Ilan sa mga pinasikat na dance craze nito ay ang Average Joe at Crazy Pipe (Pump It, Rock It). May mga dance moves din na pinasikat ang Starstruck gang na si Mark ang usual dance leader o promotor nila.
Salamat sa Tiktok, muling nanumbalik ang interes ng tao kay Mark na ngayo’y tinatawag na ‘OG’ pagdating sa pagiging Bad Boy ng Dance Floor. Mukhang bumalik din ang groove at interest ni Mark sa pagpapakita ng kanyang talento. Mahusay ‘yan!
Now the question is: Will he be able to keep the hype up? Siguro’y oras na rin para gumawa ito ng kanyang YouTube account na more on dance tutorials ang kanyang content. Siguradong magugustuhan ito ng kanyang fans.