Salot sa BOC at Kinopyang Slogan

TINA YU. Siya, parekoy, ang tinaguriang ‘Plastic Queen’ sa Bureau of Customs na ibinulgar ng ating tawiwit na naglalagay umano ng P300,000.00 bawat container sa mga appraiser at examiner mailusot lang ang kanyang mga parating na bakal at resins at mga sangkap sa paggawa ng plastic.

Na kahit ang kanyang “import permit” ay para lang sa “transhipment sa Subic Freeport”, pero nagagamit niya ito para mailusot hanggang sa Port of Manila ang kanyang mga “parating” mula sa China, Vietnam at paminsan-minsan ay Singapore.

Idinagdag pa ng ating tawiwit na itong si Plastic Queen ay super-lakas simula pa noong panahon ni Lola Gloria!

Para sa dagdag-kaalaman ni BOC Commissioner Ruffy Biazon, isa pang smuggler ang ibinulgar ng ating tawiwit.

Si Jeffrey King, parekoy, ay iba naman ang linya.

Siya naman ang bumubuhos dito sa ‘Pinas ng mga piniratang DVD, mga fake na lady bags at iba’t ibang uri ng relo.

Katunayan, noon lamang Disyembre, sa kasagsagan ng kampanya ni Comm. Biazon laban sa mga ismagler ay sandamakmak na kalakal ang ipinarating ni Jeffrey King.

Dito na tayo naniwala na malalim nga ang protection nitong si King dahil nang hinuli ang kanyang mga kalakal sa isang bodega nito sa Valenzuela City, biglang lumutang ang isang police major na dating assigned sa Bicutan, pero ngayon ay pulis-Navotas.

Pakinggan n’yo, parekoy, ang kanyang diga sa opisyal ng apprehending officers.

“Sir, kung hindi ko ho maaareglo ‘yan ay tiyak na tatawag sa iyo si General Laurel.”

Ganyan, parekoy, kalupit ang kunek nitong si Jeffrey King!

Ayon pa sa ating tawiwit, doon pala nagpupulong ang mga galamay nitong si King sa kanyang restaurant sa Ongpin!

Dala ng takot sa kanyang mga galamay na mga opisyal ng PNP, at sa kinang na rin ng “hatag” kaya walang kahirap-hirap na naipupuslit ni Jeffrey King ang kanyang mga parating mula sa Port of Manila! (May karugtong)

PAG-USAPAN MULI natin itong slogan na “It’s more fun in the Philippines” na kinopya lang pala ng isang advertising agency at pinabayaran sa ating gobyerno ng halagang limang milyong piso!

Noong 1951 ay inilunsad ng bansang Switzerland ang “It’s more fun in Switzerland” upang mahikayat nila ang mga turista noon na pumasok sa kanilang bansa.

Maliwanag, parekoy, na pagkalipas ng 60 taon mula noong 1951 ay saka naman natin kinopya sa Switzerland ang nabanggit na slogan.

Buwisit talaga, parekoy, itong pamamahala ni Sec. Ramon Jimenez, Jr. d’yan sa Department of Tourism.

Aba eh, pangisi-ngisi pa nitong ipinahayag na wala naman daw problema kung mayroong kagaya o kaparehas ang “It’s more fun in the Philippines”.

Ano? Walang problema?

Pakinggan mo ito, Sec. Jimenez, kapareho lang ba ito o kagaya ng tourism slogan ng Switzerland noong 1951?

Hindi ba ito maliwanag na pango-ngopya? Wala bang problema na na-ngopya tayo sa ibang bansa?

Okay lang ba na binayaran natin ng limang milyon ang isang kinopya o piniratang slogan?

Lintek na kaisipang ‘yan, oo, ma-ngongopya na rin lang tayo eh, ‘yun pang 60 taon nang pinaglumaan ng ibang bansa!

‘Ika nga eh, panis na sa kalalamutak ng ibang bansa pero ngayon pa lang natin ibebenta!

Sabagay, diyan naman tayo kilala sa buong mundo. Ang taga-salo ng pinag-lumaan ng ibang bansa!

Tingnan n’yo na lamang kung paano natin pinagpipyestahan ang mga “ukay-ukay” mula sa Amerika. Surplus na piyesa o appliances mula sa Japan.

Pinaglumaang sasakyan ng mga kano, mga flying coffin at vintage na mga barkong pandigma ng Amerika na kanilang ginamit noong World War II at ipinagkakaloob naman sa atin ngayon bilang tulong military. P’we!

Natatandaan n’yo pa ba, parekoy, ang mga pokpok na Russians na matapos losyangin ng mga Ruso ay dumagsa rito sa ating bansa?

Walastik, sangkaterbang Pinoy ang naglaway noon at nag-unahang tumotnak! Hak, hak, hak!

Katunayan, parekoy, maraming kababayan natin ang nagmana sa dala nilang herpes noon! He, he, he.

Itong “It’s more fun in the Philippines”, ano kaya ang dadalhin nito sa ating bansa?

Baka sangkaterbang mikrobyo ng AIDS! Bwar, har, har!!!

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleAma at Tito ni Mark Herras, kinakailangang ma-ospital!
Next articleWala nang babalikang trabaho sa ‘Pinas Mo Twister, may naghihintay nang kaso!

No posts to display