“NANLILIGAW BA AKO?”
‘Yun ang balik tanong sa amin ni Sam Concepcion nang makipag-celebrate kami ng ika-10 ani-bersaryo niya in showbiz sa pamamagitan ng isang ‘children’s party’ sa Jollibee sa Bonifacio Global City – sa tanong namin kung sila na ba ng kasama niya sa Good Vibes na si Coleen Garcia.
“Wala naman pong gano’n. We’re very good friends although these days, because of our everyday rehearsals for Peter Pan, wala kaming time na magkita, even our mga ka-Good Vibes. Now, I’m bent on reinventing myself with the things I do. Thankful po ako sa narating ko in my ten years. No regrets whatsoever.”
Nakita rin namin na mukhang gumanda ang katawan ni Sam, at sobra-sobra sa ehersisyo niya para sa kakai-langanin nitong pag-lipad sa papel niya bilang Peter Pan sa nasabing musical na magsisimula na sa September 28 sa Meralco Theater. ‘Yun din ang napansin ng mga nakaharap na media ni Sam at hindi tuloy naalis na maikumpara siya sa kasama niya sa STAGES ng manager nilang si Carlo Orosa. Dahil pinag-usapan ang pag-rampa ni Enrique Gil sa katatapos na Cosmo Bash. Kung kelan naman daw kaya makikita si Sam na rumampa rin sa entablado, na hindi naman musical ang gagawin niya.
“We will see. Baka next year po since tapos na ang Cosmo Bash. Kung ready na ako, why not? And kung nakikita naman ng mga people behind it na pasado ako eh, ‘di gagawin ko naman kung p’wede na.”
So, wala siyang dapat na ika-insecure kay Enrique?
“We are good friends. And we’re under one management. Wala sa amin ang mga ganyan. Kung magkaroon man ng comparison because of what they see us do in Good Vibes, like sa mga swimming scenes, okay lang naman po ‘yun.”
At least, may aabangan sa Cosmo Bash next year ang mga tao. Ano naman kaya ang magiging gimik ni Sam?
FOR SECURITY REASONS daw kung kaya nag-desisyon noon si April Boy Regino na dalhin ang kanyang pamilya sa Amerika.
Naging maganda naman ang kita niya sa mga shows na sinalangan niya roon. Pero eventually, the big C caught up with him. Nagkaroon siya ng prostate cancer.
Aminado si April Boy na nawalan na siya ng pag-asa sa buhay dahil du’n. Pero, hindi siya nagsawa sa kakadasal sa Panginoon na patuloy siyang tulungan.
At siguro, April Boy must have done something good in his life. Dahil ang sagot na tumulong sa kanya eh, naririto pala sa atin. Nang i-suggest sa kanya ng isang kaanak na mag-take siya ng barley. Kaya nang umuwi siya sa bansa, agad na niya itong sinubukan. At nag-uwi pa siya ng bulto-bulto nito sa Amerika. At himala nga para sa kanya ang naging paggaling niya with his bout with the big C. At ngayon, mas epektibo nga raw sa kanya ang barley juice.
Ang isa pang biyayang inabot niya rito eh, nang sumama na sila ng misis niyang si Madel para maging distributor nito sa buong Marikina kung saan halos buo niyang kabuhayan din ang winalis ng Ondoy. At ngayon, unti-unti na silang nabibiyayaan ng kanilang nagiging kita sa nasabing business.
The Pillar
by Pilar Mateo