NANG MAPANOOD NAMIN ang trailer ng Forever and a Day nina KC Concepcion at Sam Milby, may kilig factor. May chemistry ang dalawa. May magic touch si Cathy Garcia-Molina as a director. Of course, it’s another love story, pero naiiba sa mga past movies na ginawa na ni Direk Cathy. “I believe every movie is unique in it’s own right. Ang seed po nito galing sa akin, malapit po sa puso ang kuwentong ito. It’s just doesn’t talk about love. It talks about life. It talks about love for life,” matalinghaga pero very meaningful ang binitawang salita ni Direk.
Okey kaya si KC to the idea na love even for a day will last forever? “No, definitely, na-prove na ni Direk Cathy kay Sam. Sabi nga ni Direk, “One day can be like you forever, pero forever can happen in one day. Mayroon talagang love story na ganoon, hindi mo ini-expect na mai-inlove kayo tapos mari-realize ninyo isang araw na teka, sandali lang, parang iba na ito. Nangyari na rin sa akin, one weekend, Friday to Sunday, in love na ako sa kanya,” natatawang sabi ng dalaga.
Palibhasa close friends na sina Sam at KC, wala na silang sikreto sa isa’t isa. “Nagsi-share kami ng problema sa isa’t isa. Nakakatuwa lang, parang pareho kami ng kultura, hilig, ganu’n. I think, honestly, si Sam is one of the people in my life na for keeps talaga.
Kahit magkaibigan lang ang turingan nina KC at Sam, ibang klase ang dating nila on screen. Nabigyan nila ng certain glow ang character nina Raffy at Eugene sa pelikula, thanks to Direk Cathy. “Actually, naging problema ko dahil naging magkaibigan sila. Even Sam was telling me and KC, they having problem kasi sobra silang magkaibigan and they cannot look to each other as they could be lovers. It is my problem, nahirapan ako but I always tell them and I always believe na hindi sila ‘yung nai-in love on screen but rather on the character so, as long as they become the characters, it is not possible. Ako’y kumakapit na lang sa characterization nila and make they live it and make them fall in love with the characters and not to themselves.”
Malaking pasasalamat ni KC kay Direk Cathy dahil nailabas nito ang husay niya sa pag-arte. “Malaking bagay ‘yun sa akin, I started with movies three years ago. Siyempre, we work hard at nirerespeto rin namin itong trabahong ito. The first thing that Direk Cathy told me to do was to trust her and it help me a lot. Talagang nabigyan ako ng lakas ng loob to continue acting lalo na sa pelikula. Confident din po na mayroong room to grow. Mayroon pang magagawa na hindi pa nakikita ng tao na posibleng tanggapin ng tao kaysa sa mga nagawa ko dati so, ‘yun ang ginawa ko.”
Pang-apat na pelikula na ni Sam itong movie nila ni KC kay Direk Cathy. “Dito ko siya minahal kasi, dito ko nakita kung gaano siya nagmahal. He give more than what he could or he give more that he has given in the past movies and I see him grow. Mahal ko na siya, dati si John Lloyd (Cruz). Hindi siya humuhugot sa personal experience. In fact, ang liit ng ginagalawan ni Sam in terms of personal experiences. There are scenes that really became my favorite scenes and hope it will become yours. Sam is wonderful, ang galing! Si John Lloyd ba itong kaharap ko?” sabi pa ni Direk Cathy.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield