Sam Milby at Catriona Gray inilantad na ang totoong relasyon

Leo Bukas

GINULANTANG ni Sam Milby ang online world nitong May 24, mismong birthday niya, nang aminin niya sa isang post ang tungkol sa relasyon nila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Nagsulat ng sweet post ang aktor at naka-tag doon si Catriona na malinaw na pagkumpirma sa real score sa kanilang dalawa ng beauty queen.

Sa Instagram photo ay makikita rin na magkayakap sina Sam at Catriona at meron pang caption na, “Worth every second of the wait. Most special birthday yet.”

Sam Milby and Catriona Gray

Dahil dito, bumuhos ang reaksyon at comments ng mga kaibigan ni Sam sa kanyang IG account na nagpapahayag ng kanilang suporta sa dalawa.

“God-written love story… Couldn’t think of a better pair for my kuya,” komento ni Moira dela Torre.

“Happy ako para sa inyo!!! Alam mo yan!!!” say naman ni John Prats.

“Happy Birthday Sam! And soooo happy for you and @catriona_gray!! Stay happy and in love,” reaksyon naman ng Cornerstone head na si Erickson Raymundo.

Sam Milby and Catriona Gray

Sa  celebration ni Sam ng kanyang 36th birthday via Cornerstone Entertainment’s online show called Lunch with the Stars, maraming closest friends ang bumati sa aktor pero kapansin-pansin na mas kinilig siya sa naging pagbati ni Catriona.

Ani Catriona, “Hey, Sam! Happy, happy birthday. I hope that you have an amazing year ahead. More birthdays. More happiness. You are loved by so, so many.”

Reaksyon naman ng aktor, “Basta I am kilig sa message, super kilig sa message. Hindi ko in-expect talaga na mag-message (ka).

“Thank you. Yes, you are very special. Very special.”

Nitong Sabado, May 23, nagbahagi rin ng larawan si Sam sa Instagram calling Catriona “special.”

Matandaan na it was last year when Sam and Catriona started to be romantically linked to each other.

Previous articleVLOG WATCH: Maris Racal’s relatable quarantine vlog comeback
Next articleVLOG WATCH: Full Body Workout at Home with Rhian Ramos!

No posts to display