Sam Milby, ‘di pa rin bumibitiw sa kanyang Hollywood dream!

BALIK-PILIPINAS NA si Sam Milby matapos niyang tumulak patungong Amerika ilang buwan na ang nakararaan. He left the country last February to try his luck in Hollywood. Parang kailan lang when Sam had a farewell party with his friends before he went through a series of auditions in Hollywood.

Maganda ang naidulot ng kanyang mga karanasan during his three-month stay in New York kaya hindi siya nagsisisi kung may mga lumagpas man na proyekto sa kanyang mga kamay rito sa bansa.

Ayon sa artikulong sinulat ni Rachelle Siazon sa Push.com.ph ay sinabi ni Sam, “Yes, it’s very worth it. It was a great experience. All the auditions and the great feedback. I just feel different from when I left here. I just have more desire to [work] and I [gained] more confidence. And I think there’s a misconception of things too, kasi wala akong balak dati na pumunta sa States to try it out there. It came to me. There was a network that liked me and got me an agency there. So, I’m thankful sa lahat ng nangyari.”

Bukod kasi sa nakapag-bonding sila ng kanyang ama sa New York ay masuwerte si Sam because he met Hollywood stars like Adrian Grenier of the hit series Entourage and Brooklyn Decker na lumabas sa mga pelikulang Battleship at Just Go With It.

Sam was the special guest of Filipino-American Broadway star Anna Maria Perez de Tagle in her benefit concert for St. Jude’s Children Hospital. Nakasama rin ni Sam dito sina Corbin Bleu ng High School Musical at ang Fil-American actor na si George Salazar.

Nagkaroon siya ng pagkakataon na makilala sa event ang manager ni Ana na si Kevin Jonas, Sr. (father of the famous Jonas brothers) na puring-puri si Sam. “Amazed at his talent, obviously the girls love him. He’s gonna be okay, judging by the response of the crowd. He will be good. Take it slow and make the right choices,” puri nito kay Sam ayon sa report ni Don Tagala sa ABS-CBN News.

Balak bumalik ni Sam sa Hollywood next year. “It’s all for major networks, mga lalabas na shows sa CW, ABC, CBS, meron isa sa HBO. It went really well. Ang gusto nila mas matagal ako mag-stay, pero naintindihan nila na may prior commitments pa ako rito [sa Pilipinas]. So babalik pa ako dun most likely around January. May mga ongoing auditions ngayon but ‘yung main chunk is during [the first quarter of the year].”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleAi-Ai delas Alas, wala nang atrasan sa pagpapakasal!
Next articleJessica Sanchez, pinag-aagawan na ng 3 malalaking network sa bansa!

No posts to display