HINDI NANINIWALA si Sam Milby sa balitang tinalbugan ang teleserye nila ni Juday Ann Santos ng beki-serye nina Dennis Trillo at Tom Rodriquez.
Igiinit ni Sam na mataas ang rating ng serye nila na puwedeng i-check sa Kantar Media na magpapatunay na hindi napabagsak ng kalaban.
Ikinalulungkot ni Sam na magwawakas na sa ere ang kanilang serye dahil one season lang talaga ang itatagal ng serye.
Wish niya na mabigyan siya agad ng bagong serye na mas matindi pa ang character na gagawin kumpara sa role niya sa Huwag Ka Lang Mawawala.
Pero tila malabong makagawa si Sam ng bagong serye dahil magiging abala na siya sa shooting ng pelikula nila ni Anne Curtis at Cristine Reyes.
Bale ito ang ikalawang pagtatambal nila ni Anne makalipas ng apat na taon. Kung noon daw ay nahirapang si Sam sa sitwasyon nila ni Anne, ngayon daw kahit na magkaroon sila ng lovescene ay hinding-hindi na siya maiilang.
Pero siniguro rin ni Sam na walang mangyayaring reconciliation na magaganap sa kanila ni Anne. Alam niya na happy si Anne sa current boyfriend nitong si Erwan Heussaff, bagama’t wala siyang girlfriend ngayon ay kuntento na raw siya sa buhay niya.
Thea Tolentino, ‘di maitago ang crush kay Dennis Trillo
INAMIN NI Thea Tolentino, Protégé winner sa artista search ng GMA 7 na kinikilig siya kapag nakikita niya si Dennis Trillo.
“Crush ko po kasi si Dennis (Trillo). Kapag nakikita ko siya, ‘di ko mapigilang kiligin. Napakagaling po kasi niyang actor. Kahit na po siguro maging bakla siya sa tunay na buhay, ‘di pa rin mawawala ang paghanga ko sa kanya,” say ng 17 years old na ngayong si Thea.
Ask kung ligawan siya ni Dennis?
“Hindi naman siguro manliligaw siya (Dennis) nang kasing-edad ko. Siguro naman mga kasing-edad din niya ang tipo niyang ligawan,” say pa ni Thea na lead star na ngayon ng Pyra bagong serye ng GMA-7, kapalit ng Kakambal ni Eliana simula sa August 26.
Samantala, masayang-masaya si Thea dahil nakapagbibigay na siya ng suporta sa magulang at natutustusan niya ang pag-aaral ng kapatid.
Nakabili na rin siya ng second hand na kotse na siyang gamit niya sa pagte-taping. Gusto niyang ipagpatuloy ang pag-aaral oras na makapag-ipon ng sapat at sana raw ay magtuluy-tuloy na ang suwerte ng kanyang showbiz career.
Gerald Anderson, masaya para kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli
SAYANG AT kaagad na nagpaalam si Gerald Anderson sa ginanap na presscon ng OTJ (On The Job) na ginanap sa Dolphy Theater para linawin ang mga balitang sangkot siya, tulad ng pag-ihi raw nito na nakunan?
Pero nagbigay naman siya ng pahayag sa Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli romance.
Aniya, “Basta maligaya ang lahat, okey sa akin. Lahat naman tayo ay may karapatang lumigaya at magmahal.”
Samantalang tama lang ang sinasabi ni Gerald at kasama niya sa OTJ na si Piolo Pascual na kakaiba ang movie nila ito kumpara sa mga nagawa na nila.
Lumabas ang husay nila sa acting sa movie kaya hindi kataka-taka na nagustuhan ito ng foreign investor kaya kaagad na binili ang right na maipalabas ito sa ibang bansa.
Hindi lang sina Piolo at Gerald ang nagpakitang gilas sa OTJ, nandiyan din ang magaling na acting nina Joey Marquez, Leo Martinez at Joel Torre na tinanghal na Best Actor nang ilaban sa international film festival ang kanilang movie na idinirek ni Erik Matti at produce ng Star Cinema.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo