SANDALI LANG NAMAN kumunot ang noo ni Sam Milby nang sa get-together with some entertainment press para pag-usapan ang kanyang Be Mine album eh, lumitaw na naman ang pag-uusisa kung totoo bang may anak na nga siya.
“Ang tagal na nu’n. And I’ve said, wala akong anak. Hindi totoo that I have a kid.”
Bago matapos ang tsikahan with Sam na nakatakdang umalis kinabukasan para sa show niya sa Six Flags sa Amerika, may bagets na dumating at agad-agad na kumarga sa kanya, si Lona Overstreet, 3 years old na pamangkin niya.
Bukod sa show niya sa Six Flags, may dadaluhan palang series of meetings sa New York si Sam at ang kanyang manager na si Erickson Raymundo. May kinalaman ito sa in-audition-ang show ni Sam sa Amerika. Isang malaki at kilalang network ito roon.
Excited nga si Sam kung sakaling magkapirmahan o may magandang sagot sa kanya. “If that will push through, hindi naman ako mawawala here. Tuloy pa rin my career here. And it will just be a matter of ‘yung pag-ayos ng schedules. I’ll keep my fingers crossed.”
NANG MAKAUSAP NAMIN si Isabel Oli sa Viva office, sinabi ng dalagang nagtapos na ang kontrata niya with GMA-7 noong September 30, 2011. Gayunman, tuluy-tuloy pa rin daw ang mga proyektong gagawin niya para sa nasabing network.
“Last year pa ako nagpaalam kay Ma’am Annette (Gozon). And she’s cool with it. She offered me another contract. And makakasama ako sa ‘Daldalita’. Maayos naman ang pagpapaalam ko kaya I can say na GMA Artist Center pa rin ako. And for other matters naman concerning my career – kaya I met up with Ms. Veronique (del Rosario) and Tita Becky (Aguila). Sabay sila. Kaya, meron pa rin akong network contract. Sa movies, p’wede ako lumabas sa iba. I still have two more years sa TV.”
Pinansin namin na nadagdagan na ng konti ang timbang ng dalaga. Ang dahilan, ang patuloy na pag-aalala at pag-aalaga sa kanyang amang in a coma.
“He’s in a critical condition pa rin. Pero nasa bahay na namin siya. Sabi ng doctors, rare. Cerebellar degeneration. Hindi alam ang cause and hindi rin alam kung ano ang cure. ‘Yung second cardiac arrest na niya ang nagdala sa kanya in his condition now. Kaya, bahala na talaga si God. Nu’ng una, when it happened talagang nawala ang focus ko sa maraming bagay. There were times na hindi ko napapansin na tatlong araw na pala akong hindi kumakain and hindi ko napapansin na kung anu-ano na lang ang isinusuot ko. Ngayon, take turns kami ng brother ko and Mom sa pag-aalaga kay Dad. Umuwi na kasi sa ibang bansa ang iba kong kapatid. Pero, merong nurses na round-the-clock nagbabantay and alaga kay Dad. That time, hindi na ako maka-work. Kaya ngayon pa lang ako bumabawi.”
Nasa Amerika pa ang boyfriend ni Isabel na si Gabriel Valenciano nang makausap namin ang dalaga. At inusisa naman namin ang takbo ng relasyon nila. At ayon sa dalaga eh, tanggap ng mga pamilya nila ang isa’t isa.
“We were introduced by a common friend (Sherilyn Reyes-Tan). Wala naman kaming planong i-hide. Ayaw ko lang to go into the details pa. Dati rin naman akong immature. But as we get along, marami kaming natututunan ni Gab sa isa’t isa.”
Looking forward si Isabel sa more challenging roles na maitotoka sa kanya sa pelikula. At ang nasa wish list niyang maging leading men sa pelikula eh, sina Piolo Pascual at Jericho Rosales.
The Pillar
by Pilar Mateo