HAPPY KAMI to see Sam Milby again last Saturday. Isa kasi si Sam sa mga love naming pagdating sa pag-i-interview sa mga artista dahil hindi siya namimili ng tanong at sagot lang siya nang sagot. Nakausap namin si Sam sa opening ng Chlooe’s Closet, isang bagong pambatang dress shop sa may third floor ng Shoppesville, Greenhills last Saturday, August 10.
Masayang ibinalita ni Sam ang mga kaabang-abang pang mangyayari sa malapit nang magtatapos na serye nila ni Judy Ann Santos at KC Concepcion, ang Huwag Ka Lang Mawawala sa ABS-CBN.
Sabi niya, “Andami, eh. Malapit nang matapos. So, dapat i-expect… ‘di ba kasi ‘pag ending ng mga teleserye, kadalasang one big wow revelations? Sobrang exciting kasi ‘yung mga dapat abangan sa last two weeks.”
Sa show ay bida-kontrabida ang role ni Sam. Nahirapan ba siya? “Of course, siyempre never ko pang nagawa ang isang bida-kontrabida role na gray character in start. Kasi, instead na dapat kontrabidang-kontrabida, dapat may paawa effect sa mga tao, dapat maunawaan ng mga tao kung bakit dapat ganu’n ‘yung character ko. ‘Di ba? So, sobrang mahirap. Ang sama kasi talaga ng karakter ko, lalo na nitong bandang dulo, medyo ano eh, parang nababaliw na siya dahil sa mga pangyayari.”
Hindi rin maiiwasan na magkaroon ng haters and bashers ang mga artista kapag kontrabida ang kanilang mga ginaganapan sa isang soap opera. Pero pasalamat daw ni Sam, halos good haters and bashers naman daw ang mga ito. “Eh, may haters, may bashers… pero lagi namang in a good way, happy ako dahil imbes na magalit ‘yung mga tao sa character ko, palaging sabi nila, ‘Nakakainis ‘yung karacter ni Sam, si Eros, sobrang bad siya.’ Pero sabi pa nila, ‘You’re portraying the role very well so congrats.’”
Kamusta naman kayang katrabaho ang Queen of Philippine Soap Opera? “Very inspiring… intimidating… inspiring… parang kumbaga pinush niya ako to be a better actor, ibang caliber talaga si Juday. I mean napakagaling talaga and sobrang thankful ako sa pasensiya niya, patience niya sa akin. Siyempre, ‘di naman maiiwasan na nabubulol pa rin ako minsan tsaka mabibigat… kasi mabigat and suspenseful teleserye kasi. And minsan heavy drama scenes na iyakan siya, minsan nahihirapan talaga ako. Pero I’m very thankful that she’s helping me out the whole time. And she’s behind me and believing in me always na kaya ko. Kaya malaking bagay ‘yun sa akin. Sobrang thankful ako na she pushed me, and that she handpicked me para sa role na ito and it helps me become a better actor, pati sa Tagalog, nakatulong siya.”
Papuri naman niya kay KC, “Malaking revelations din si KC para sa teleserye na ‘to. I think she found the role that really fits her, and nag-shine din siya. And bilang isang kaibigan niya, siyempre nagkasama na kami sa movie, so hindi ito first time. Ayun nag-shine siya and she’s doing well.”
Nalulungkot naman daw siya na malapit nang magtapos ang show. Pero pinabulaanan nitong tatapusin na ang soap dahil mababa raw ang ratings nito. “It’s sad because kahit andaming magandang feedback, andaming nagsasabing ang ganda ng teleserye, ang ganda this and that, ang ganda ng ratings namin, ang taas, at ‘yun ang totoo. So, ‘yun siguro ang sinasabi nila na dahil matatapos na talo sa ratings. Pero sa amin, we know that’s not true, we know that hanggang du’n na lang ‘yung story. Lahat sobrang proud sa teleserye na ito because its suspenseful and it’s a great story. Basta happy kami with all the feedbacks and the people who are watching it and enjoying the show. And I’m so happy rin na andaming humihingi ng book two. Pero mahirap magkaroon ng book two. It’s sad para sa aming lahat kasi over a year nag-taping kami and matatapos na.”
Pagkatapos daw niyang sumabak sa isang heavy drama show, isang comedy project naman daw ang kanyang gagawin. “Ang susunod na project na gagawin ko ay movie with Anne Curtis and Cristine Reyes. Ang title niya ay The Gifted. Comedy siya, maganda.”
So naniniwala siyang magandang maisabak ang isang artista sa mga iba’t ibang characters? “I think that’s the best way to do it. Unang-una, ‘pag paulit-ulit ‘yung role, siyempre magiging typecast. It shows versatility kasi and it shows na parang lalo na at galing sa isang kontrabidang role, ‘di ba and it’s a good role to lighten up na bilang ako. I think it will be nice and movie din ito.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato