MAY NAKAPAGBULONG sa amin na hinding-hindi raw lilipat si Sam Milby sa Kapatid Network. Kumalat kasi ang bulung-bulungan na susunod na raw si Sam sa mga Kapamilya stars na tatalon ng bakod next year.
Pero ayon sa aming impormante, wala raw itong katotohanan at talaga lang daw may gagawing proyekto si Sam sa ibang bansa. Mawawala lang daw ng ilang buwan ang PBB graduate dahil sa magandang oportunidad na ito na dumating sa kanyang buhay.
Well, i-good luck na lang natin si Sam sa kanyang international career. Mukha namang Sam will make it big sa international arena.
NAIMBITAHAN KAMI sa MVP Ball noong December 1, 2011 na ginanap sa NBC Tent sa Taguig. Pero dahil hindi kami nakahanap ng damit na susuutin, mas pinili na lang naming manuod na lang ng mga kaganapan sa Aksyon Journalismo at talaga namang napahanga kami sa daming artistang dumalo sa nasabing event.
Ito na rin mismo ang isang get-together party ng mga Kapatid Stars kasama ang bossing ng TV5 na si Sir Manny V. Pangilinan.
Dumalo sa naturang pagtitipon ang mga poste ng TV5 pagdating sa entertainment department na sina Superstar Nora Aunor, Megastar Sharon Cuneta, Aga Muhlach, Alice Dixson, Lorna Tolentino, Gelli de Belen, Tonton Gutierrez, Edu Manzano, Ruffa Gutierrez, Cristy Fermin at iba pang mga bigating artista ng istasyon.
Kudos to MVP and TV5 for a very successful gathering of over a hundred stars.
KAKAIBANG JUICY ang napanood namin noong Biyernes ng gabi sa TV5 dahil ito ang nagsisilbing farewell episode para kay Mo Twister. Medyo nalungkot kami dahil iiwanan na ni Mo pansamantala ang mundong kanyang minahal. At sa isang bahagi ng show, nagpaabot si Mo ng kanyang ‘sorry’ sa lahat ng mga diumano’y nakaramdam na mahirap siyang katrabaho at mga siguro ay nasaktan niya.
Aniya, “Well, alam mo naman ako, I’m rather emotional person pagdating sa mga ganitong mahahalagang things in my life, I’m very much also the type of person na maiiyak na. You know, this time, I’m all cried out, I’m just a little bit angry sa mga nagyari sa buhay ko dito this year, so I just wanna ask na lang for your forgiveness more than anything that I’m very difficult to work with.
“Not because of my personality na sinasabi mo (Shalala) na nakakatakot naman ‘to or ‘yung mga pinagdadaanan namin (ni Cristy), ahm it was more than I was very difficult to work with because I was very quite, and that I’ve been hurting for a very long time.”
Dito na ni Nanay Cristy si Mo. “Tatanungin lang kita, nu’ng mga panahon ba na sinasabi mong you’re so difficult to work with, nagsisimula na ba ‘yung problema mong personal nu’n?”
Sagot ni Mo, “Yeah, of course, of course. And I wanna ask the staff, for forgiveness also. This is not me. You saw that, past year and three months, is not me, I’m a friendlier person, it’s just that I lost something very…”
Dito na itinaas ni Mo ang kanyang dalawang kamay sa kanyang harapan, pinag-akmang parang magsi-shakehands na halos may bigat na gustong isambulat na hindi niya kayang dalhin.
At pagkatapos nito, isinuntok niya ang kanyang kanang kamay sa mesa ng Juicy nang makailang ulit. Dito na rin humulagpos ang luha ni Mo.
Patuloy pa niya, “I lost something, very important… and I got very angry at you guys…”
Hindi na nakapagpatuloy pa si Mo ng pagsasalita dahil tuluy-tuloy na ang kanyang luha. Dito na siya nilapitan, niyakap at hinaplos ang likod ng kanyang mga kasamahan.
Pagkatapos nilang pakal-mahin si Mo, tsaka ito nagpatuloy ng kanyang mensahe, “No, no, no, I just wanna apo-logize , no, no, really… I wanna apologize to Jana, our bossing, to Omar, for, ‘yung lumabas sa tabloid na sinigawan ko sila, nagagalit ako sa inyo, that’s true.”
Dito namin nakitaan ng sobrang pagpapakumbaba si Mo. Sinasaluduhan namin siya sa kanyang pagiging honest.
Sure na ‘to
By Arniel Serato