NAGKAGULO SA LOOB ng Zirkoh Greenhills paglabas ng leading man ni Angel Locsin sa Only You na si Sam Milby sa kanyang solo concert titled Only Me last Saturday. Biglang nag-wild ang female crowd nu’ng lumabas na si Sam on stage sabay ng walang tigil na pag-flash ng mga camera.
Wala namang ginawa si Sam kundi ikutin ang buong Zirkoh habang kumakanta para lang mapabigyan ang lahat na makapagpa-picture sa kanya. Sabi nga nu’ng nasa likod namin na nanonood ng show, ang bait-bait daw talaga ni Sam dahil he’s really making an effort na mapagbigyan lahat ng kanyang fans kahit hirap na hirap siya.
Actually, nawalan ng hininga si Sam pag-akyat niya sa itaas ng Zirkoh. Muntik nang mag-collapse si Sam pero mabuti na lang na-carry pa rin niya. At dahil naipangako siya na aakyat siya sa upper portion ng Zirkoh Greenhills, gumawa talaga siya ng paraan na makaakyat.
Thanks to his only housemate sa kanyang bahay sa Pasig at PA na rin at the same time na si Nene. Tumigil sandali si Sam sa pagkanta habang nakikipag-besohan sa mga fans sa itaas ng Zirkoh.
Si Nene ang dahilan kung bakit may pagka-Bisaya magsalita ng Tagalog si Sam. At wala raw itong ibang alam at gustuhin na kanta kundi ang pinasikat na awitin ng Aegis. Palakpakan ang mga tao nu’ng bumirit na si Nene sa kanta ng Aegis na Luha.
Marami naman ng pumuri sa ganda at kaseksihan ngayon ni Bea nu’ng umapir siya sa show ni Sam. Doon binuking niya si Sam na nagpakita ng kanyang katawan sa movie. And for the first time, nagsuot ng two-piece bathing suit si Bea sa movie.
SPEAKING OF DIETHER Ocampo, nilinaw niya ang isyung ibinabato sa kanya against SSS. Hinahabol daw kasi ng SSS si Diet dahil sa ‘di niya pagbabayad nito para sa kanyang mga tauhan sa kanyang water refilling station.
Narito ang paliwanag ng abugado ni Diet na si Atty. Meanne Placides, ‘The water station has already been sold and transferred to a different owner since February 2006. So, SSS premium should be paid by the new owners already and not Mr. Ocampo. The problem arose when Mr. Ocampo through his lawyer found out that the necessary papers for the closure of the business under his name has not been processed yet with the SSS and the QC city hall business licensing section. They are having a hard time doing so because since the business has been sold more than three years ago. The papers needed for the closure cannot be produced anymore.
“Diet directly addressed the matter when we wrote him a letter. In fact, right after receiving it, his counsel furnished SSS a copy of the new business permit under the name of the new owner and the deed of sale. He was even willing to pay whatever arrears he have incurred. But he was told to pay also the premium which has not been paid by the new owner.”
Julie Ka!
by Julie Bonifacio