KAHANGA-HANGA talaga ang pagiging loyal ni Sam Milby sa Kapamilya network. Imagine, kahit ilang taon na itong walang prangkisa ay nananatili pa rin siya sa network.
Ayon sa handler ni Sam sa Cornerstone Entertainment, nagkaroon ng offer mula sa ibang TV network para kay Sam pero hindi na raw ito umabot pa sa negosasyon.
Sabi naman ni Sam, “Hangga’t kaya, I would not want to leave. Because ABS is the one who made me and where I am.
“And I appreciate it, you know, changed my life. As long as I can stay with them, as long as they need me, I will stay.”
Dagdag pa ng aktor, mas kailangan niyang ipakita ang loyalty at malasakit sa network na gumawa sa kanya ngayong may matindi itong pinagdadaanan.
“Siyempre, kawawa ang ABS ngayon na walang prankisa, and hindi rin natuloy ang partnership with TV5, which I thought it would be helping for ABS,” sabi ni Sam.
“But you know, ABS is surviving, they’re putting out great projects, and I think that’s one thing about ABS, you can be assured na yung proyekto na nilalabas nila is maganda,” aniya pa.
Bukod sa pagiging loyal Kapamilya ay hindi rin nabahiran ng kahit anong loyalty issue ang relasyon nila ng girlfriend na si Catriona Grey. Perfect couple indeed.
Dahil sa nakakabilib na sense of loyalty ni Sam kaya perfect choice talaga si Sam para maging brand ambassador ng Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets na merong tatlong bagong produkto na developed at manuftured sa Japan — ang Reiko ShiroSan, Kenzen YasaiDes at Kenzen MizuPlus.
Aba, eh, maraming consumers ang makaka-identify at makaka-relate kay Sam sa paiging loyal nito, huh! Yung kahit pa anong mangyari ay hindi basta-basta nang-iiwan. Walang hugot yan, ha.
Anyway, bukod sa loyalty, isa rin sa kinonsider ni Rhea Tan (CEO at president ng Beautederm Corporation) para kuning endorser si Sam ay ang healthy lifestyle ng aktor.