UMAASA PA rin si Sam Milby na darating daw ang araw na matutupad ang ilusyon niyang maging Hollywood star. For the meantime, balik-Pinas muna raw siya at for good na raw muna, dahil sa nakatakdang seryeng gagawin niya sa ABS-CBN na Written In Our Stars kasama sina Toni Gonzaga, Jolina Magdangal, at Piolo Pascual.
When asked kung tuluyan na niyang kinalimutan ang pangarap na maging international star? Kaagad na sagot ng actor, hindi raw niya totally kinakalimutan. Pero in the meantime, dito muna raw siya para sa seryeng ipinagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN.
Pagkatapos na raw ng serye siya aalis. Hindi lang niya masyadong naiklaro kung babalik pa rin sa Tate para sa ilusyong career sa Hollywood. Wala nga namang masama na mangarap. Baka nga naman matupad kahit imposible sa ngayon.
Anyway, sa serye, makakasama muli ni Sam ang first loveteam niya na si Toni. At tanong kung may pagbabago ba sa naging tinginan nila ngayong may asawa na ang TV host/actress? “Wala namang pagbabago in terms of working relationship. She’s always been very professional and just because she’s married, I don’t think she’s gonna change, ‘yung friendship namin at ‘yung working relationship namin,” say ni Sam.
Gagampanan ni Sam ang role na first love ng character ni Toni na parang hango na rin sa real life ang character na ginagampanan nila ng actress/TV host dahil nabalitaan noon na-link sila sa isa’t isa at nagkaligawan noon.
Tsika ni Sam, sa serye ay sobrang in love siya kay Toni, kung saan galing siya sa isang broken family. Tapos sinaktan niya si Toni at nagkahiwalay sila. Pero ayon kay Toni, ang maganda raw ay magagamit nila ang mga nangyari sa kanila ni Sam sa totoong buhay rito sa serye at gagawin daw nilang inspirasyon.
Ayon pa kay Toni, wala raw magiging problema sa husband niyang si Direk Paul Soriano ang pagbabalik-showbiz niya dahil very supportive ang husband/director. Anuman daw ang gawin niya ay laging nakaalalay ang husband at nakasuporta. Wala raw ‘yung selos-selos. Alam naman daw nila na walang puwedeng makapaghiwalay sa kanila dahil may tiwala sila sa isa’t isa.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo