Sa press launch ng bagong pelikula ni Sam Milby na “The Third Party” ng Star Cinema, pansin namin na tila pumayat siya. Ang layo ng pangangatawan niya na super ‘Incredible Hulk’ noon, na ngayon ay mas gusto namin na mas perfect para sa kanya, alam mong siksik sa abs kapag hinubad niya ang suot na light blue shirt na pinatungan ng khaki jacket.
Tanong namin sa kanya on his way out from the presscon venue nang mapadaan siya sa mesa namin, kaumpukan sina Jobert Sucaldito, Dominic Rea, at Maricris Valdez-Nicasio, kung nagkasakit siya dahil ang laki ng ibinawas ng timbang niya.
Ang laki ng ipinayat ni Sam kumpara sa picture niya sa standee ng huli niyang pelikula na “Camp Sawi”. Bato-bato ang peg ng katawan niya sa huling pelikula, na I told him na hindi bagay sa kanya na akala ko nga na-photoshop ang litrato niya na parang hindi siya.
“Lumalaki ako kapag nagdyi-gym ako,” sabi niya sa amin in Filipino with American accent.
Dahil sa kabisihan niya sa pelikula nila ni Angel Locsin at Zanjoe Marudo, hindi siya nakapagdyi-gym lately. Sa katunayan, isinigit lang sa shooting schedule nila that night ang presscon at balik shooting pa sila sa Commonwealth, na kung walang aberya, this Friday ang last shooting day nila.
Sa pelikula, Sam plays a young doctor (Max) na ex-girlfriend ni Angel who plays the role of Andi, na sa muli nilang pagkikita, iba na pala ang “lifestyle” ng dating boyfie at ngayon ay may sarili boyfie na rin sa katauhan ni Christian (Zanjoe Marudo) na isa rin doctor.
In short, ang conflict ng tatlo ay mula nang nakitira si Angel sa bahay ng dalawang beki.
Ang ganda ng trailer. Palong-palo ang ka-sweet-an nina Sam at Zanjoe na noong first few days ng shooting nila, naaasiwa sa ginagampanan nilang roles.
Sa mga totoong beki (bulalo category or mga silahista or pa-mhin ang peg), type nila ang kaguwapuhan ng dalawang bidang lalaki na siyang uso na rin naman ngayon, lalo na sa mga kabataan nating beki.
“At first, I was hesitant,” kuwento ni Sam. Medyo asiwa siya sa mga hug ni Zanjoe sa kanya sa mga eksena.
“Until I got used to it, kaya ok na,” sabi ni Sam.
Sa October 12 na ang bagong beki rom-com ng Star Cinema mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana na siya rin nag-direk ng pelikulang “Babagwa”, “Love is Blind” (Kiray Celis and Enchong Dee), at “Mercury is Mine” na entry sa nakaraang Cinemalaya 2016.
Reyted K
By RK VillaCorta