MAKAILANG BESES na ka-ming dumalo sa FHM sexiest party at nasaksihan namin ang mainit na pagtanggap noon kay Angel Locsin. Talagang halos bawat paglakad ni Angel sa stage ay pinapalakpakan.
Last year at sa taong ito ay si Sam Pinto ang sexiest woman na napili. At kung noong nakaraang taon ay marami ang nadismaya sa suot ni Sam, ngayon ay medyo sexy na ang design ng kanyang isinuot. Medyo revealing man ang kanyang outfit sa kanyang pagrampa noong Huwebes, July 12, hindi naman masyadong applauded ang kanyang presence.
Nakasakay sa duyan si Sam sa kanyang entrance at naka-harness ito papuntang main stage, pero parang deadma ang mga tao. Kapansin-pansin ding hindi mas-yadong napuno ang venue.
Bakit kaya parang matamlay ang pagtanggap ng mga utaw kay Sam? Nagtatanong lang po!
SABADO NANG madaling-araw last week, pagkagaling sa lamay ng Comedy King ay diretso na kami sa Floridablanca, Pampanga para sa tree planting project ng MVP Group of Companies kasabay na rin ng selebrasyon ng kaarawan ni Sir Manny V. Pangilinan. Layunin ng proyektong ito na makapagtanim ng 66,000 trees sa loob ng isang taon, alinsunod sa ika-66 birthday ng may-ari ng TV5, among others.
Sa Barangay Mawakat, Floridablanca, Pampanga ang naging take off point ng nasabing tree planting project noong Sabado, kung saan naki-join ang TV5 artists na sina Alex Gonzaga, Martin Escudero, Meg Imperial at Daniel Matsunaga.
Nakatutuwa dahil kahit sobrang init ay hindi nakitaan ng kaartehan ang apat at talagang game na game sa pagtatanim. Pagkatapos nito ay tumulak naman ang grupo papuntang Apalit, Pampanga, kung saan may salo-salo para kay MVP. Pero bago pa man kami makarating sa pinaka-main road ay naligaw ang aming grupo at napunta sa mabato at masukal na bahagi ng bundok. Ilang ilog din ang natawid ng aming convoy bago pa namin na-realize na ibang daan na pala ang aming tinahak.
Nag-u-turn ang aming convoy at matiwasay na naming natunton ang main road patungong Apalit. May isa pang katatawanang nangyari dahil bago pa man kami makarating sa Apalit ay naligaw na naman kami at tiyempong kasunod namin sina Daniel. Nagkamali ng u-turn sa SCTEX ang driver ni Daniel kaya naman natikitan ito ng SCTEX police.
Matiwasay na natapos ang tree planting activity, kung saan dinaluhan din ito ni MVP at siya rin ang nagpasimuno ng ceremonial planting sa may San Simon, Pampanga.
Happy birthday Sir MVP!
NAKAUSAP NAMIN at ng iba pang media si Manay Ichu Maceda sa lamay pa rin ni Mang Dolphy at masayang sinariwa nito ang kanyang mga naalala noong Sampaguita days ng Comedy King.
Malungkot man na pumanaw na ang Hari ng Komedya, masaya niyang ibinalita sa amin na magkakaroon ng re-run ang mga Sampaguita movie ni Mang Pidol sa loob ng isang linggo sa mga piling sinehan.
Magkakaroon din daw ng exhibit ng mga Dolphy memorabilia ang ilang mga museum.
Ito ay magsisilbing pagbabalik-tanaw sa kontribusyon ni Mang Dolphy sa showbiz industry.
Sure na ‘to
By Arniel Serato