ILANG MEDIA AT press people ang naimbitahan noong Martes, September 13, sa set ng pelikulang Hitman na pinagbibidahan nina Cesar Montano at Sam Pinto. Nilinaw namin kay Sam ang mga nasusulat at mga isyung hindi raw siya marunong umarte at ‘nakaka-ilang takes’ palagi siya sa mga eksena noon sa kanyang pelikula.
Sagot ni Sam, “Inaamin ko namang hindi pa talaga ako ganu’n kagaling, nagsisimula pa lang ako. At noon, nahihirapan talaga akong Managalog, kaya nakaka-ilang takes ako. Pero ngayon, unti-unti na akong natututo at medyo okay na ang pagsasalita ko ng Tagalog, kaya medyo okay na rin naman ako ‘pag nakaharap sa kamera.”
Sumabat naman si Buboy at sinabi nitong, “Hindi naman porke’t nakakailang takes eh, hindi na marunong umarte. Isang magaling nga na Hollywood actor, okay na sa director ang kanyang mga eksena, siya pa ang humihi-ngi ng isa pang take dahil gusto niya talagang ma-perfect ang kanyang mga eksena. Hollywood na ‘yun ha? Tsaka si Sam dito sa Hitman, in the scale of 1 to 10, 10 being the highest, I would say 9 ang rating niya. Ang galing niya rito.”
Napapansin naming napakahinahon ni Sam kapag may mga intri-gang ibinabato sa kanya. Kaya naman sinusuwerte talaga siya sa kanyang career dahil lagi siyang napipiling maging leading-lady ng mga bigating artista. Una na nga rito si Sen. Bong Revilla sa Panday at ngayon naman si Cesar Montano.
Marami pang mga isyu at intrigang nilinaw sina Cesar at Sam sa panayam ni Dolly Ann Carvajal ng Paparazzi Showbiz Exposed na mapapanood sa Linggo ng hapon, sa TV5.
NAKAUSAP NG MEDIA si Aga Muhlach noong press launch ng Pinoy Explorer, ang kanyang bagong show sa TV5. Matapos ang usapan tungkol sa kanyang bagong show na lumibot pa sa North America, sumakay ng sampung eroplano, nag-renta ng walong land vehicles at lahat ng mga aktibidad na ito ay nabuo sa loob lamang ng sampung araw, hiniritan ng ilang media si Aga kung may katotohanan ba ang bulung-bulungang magkakaroon nga ba sila ng noontime show ni Edu Manzano.
Sagot naman nito, meron ngang naging usapan pero hindi pa nila masabi kung kailan ito matutuloy o sisimulan. “Pero gagawa kami ng show hindi para tumapat kundi para magpasaya ng tao,” ang sagot naman ni Morning sa tanong kung handa na ba nilang tapatan ang matibay na pundasyon ng Eat… Bulaga! nina Tito, Vic at Joey.
NAKAUSAP NAMIN KAMAKAILAN lang si Valerie Concepcion at inusisa namin siya kung ini-enjoy na nga ba niya ang pagiging sexy-kon-trabida.
Sabi niya, “Parang nalilinya nga ‘ata ako sa pagko-kontrabida sa ngayon. ‘Di ba pagkatapos ng ‘Mga Nagbabagang Bulaklak’ ng TV5, ngayon naman sa ‘100 Days To Heaven’ sa ABS-CBN. Pero parang enjoy na rin ako dahil ang daling magtaray kaysa umiyak, hahaha!”
Pagdating naman sa pag-ibig, naging open na sila ni Dondon Hontiveros na makita sa public, pero wala pa raw sa plano nila ang pagpapakasal dahil 23 pa lang daw siya.
KUWELANG-KUWELA ANG TEXT na aming natanggap mula kay Mr. Fu matapos niyang mabasa ang isinulat namin dito tungkol sa kanyang ‘pagiging numero unong social climber”.
“Kapatid binasa ko siya kanina (Lunes, Sept. 12) on air ha, at ang saya talaga. Salamat sa isinulat mo.” Patuloy pa niya, “Hindi na mawawalan ng kop-ya ng Pinoy Parazzi dito sa radio booth ng WOW FM 103.5.”
Ayan ha, at least hindi man kami uma-asang ang mga isinusulat namin tungkol sa mga artista at celebrities ay may katuwang na pasasalamat. Pero nakakataba lang ng puso na ang iba ay may pagpapahalaga sa ilang linyang kanilang nabasa sa mga pahayagang katulad ng Pinoy Parazzi. Pahiram, Mr. Fu ha, “Ikaw na talaga. You already!”
Sure na ‘to
By Arniel Serato