MULI TAYONG naimbitahan ng ating kaibigang si Charlie Felisilda sa ginanap na Music Awards sa Araneta Coliseum noong Sabado (July 11, 2015) ng ABS-CBN Radio Station MOR 101.9, My Only Radio For Life.
Ang star dito ay ang sikat na trio radio jockeys na sina DJ PACHITO (DJ Toni, DJ Papi Charlz, at DJ Chikki Boomboom).
Sa nakaraang makulay at matagumpay na MOR Pinoy Music Awards 2015, binigyan nila ng pagkilala ang mga mahuhusay na Original Pilipino Music o OPM. Ito ay dinaluhan ng mga sikat na artista tulad nina Vice Ganda, Enchong Dee, Alex Gonzaga, Janella Salvador, at marami pang maningning na bituin. Ang ilan naman sa kilalang music artists ay sina Jovit Baldivino, KZ Tandingan, Morisette Amon, Bugoy Drilon, Edward Benosa, Jason Dy, KThyro and Yumi, Harana Boys, at marami pang iba. Tinanggap naman ni Megastar Sharon Cuneta ng MOR Pinoy Music Awards Lifetime Achievement Award kasunod ng isang tribute sa kanya ng mga sikat na singers na sina Nyoy Volante, Karla Estrada, Jolina Magdangal, Christian Bautista, at iba pa.
Ayon sa naunang panayam kay DJ Toni Aquino, “Ang mananalo ay ayon sa mga text votes, pero hindi lahat galing sa text votes kasi we have judges from the music industry. We have Jose Mari Chan, Christian Bautista, Ogie Alcasid. So, mga OPM artists ito at people from the OPM industry and the choice also of the Pinoy Music Awards Committee. So halo-halo ‘yan and all-in-all pagsasama-samahin ‘yun.”
Si DJ Toni ang Executive Producer ng kanilang show sa MOR 101.9, na kung makikita natin sa personal ay parang kahawig at ka-figure conscious ni Sunshine Cruz, ayon na rin sa kanyang mga kasamahan. Bukod doon, napaka-accomodating ng ating Lady Boss sa MOR na si DJ Toni.
Heto naman ang update sa ating dalawa pang DJs ng “Samahang Pachito” na sina DJ Chikki Boomboom at DJ Papi Charlz. Kamakailan ay napasama sa Loyalista Housemates sa online ng Pinoy Big Brother si DJ Papi Charlz. Nakasama niya ang walo pang housemates mula sa iba’t ibang lugar sa loob ng 7 hours and 3 minutes. Isa itong malaking achievement para kay DJ Papi Charlz dahil ito ay ang isa sa kanyang malaking pangarap sa buhay. Sa ngayon ay busy siya sa pagtatapos ng kanyang pag-aaral bilang Psychology major sa isang sikat na unibersidad.
Samantala si DJ Chikki, bukod sa pagiging radio jock ay isang Radio Productions professor sa isang sikat na university. Siya ay isang super busy woman na nagra-radyo sa umaga at nagtuturo sa hapon at nagraraket pa ng trabaho sa gabi bilang DJ at host. Sa kabila naman ng lahat, siya ay siyang happy breadwinner ng kanilang pamilya.
More tsika pa sa ating mga paboritong DJs sa mga susunod nating issue.
Ito naman ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa nakaraang MOR Pinoy Music Awards 2015:
Song of the Year – “Mahal Ko O Mahal Ako”, KZ Tandingan (composer Edwin Marollano)
Album of the Year – “Himig Handog P-Pop Love Songs 2014″ compilation album
LSS Hit of the Year – “Boom Panes”, Vice Ganda
Regional Song of the Year – “Sa Akong Heart”, Von Saw
Best Collaboration – James Reid & Nadine Lustre, “No Erase”
Male Artist of the Year – Daniel Padilla, “Simpleng Tulad Mo”
Female Artist of the Year – Yeng Constantino, “Ikaw”
Best New Artist – Morissette Amon, “Akin Ka Na Lang”
Kantamercial of the Year – “Habit Song” (Tuseran Forte)
Dance Hit of the Year – “Chinito Problems”, Enchong Dee
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, email: [email protected]; cel. no. 09301457621.
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia