TOTOO PO ba ang balita na mayroon nang amnesty sa mga illegal na nagtatrabaho sa United Arab Emirates? Magdadalawang taon na kasi ang asawa ko roon at matagal nang nag-expire ang kanyang visit visa. — Gigi ng Masbate City
TOTOO ANG balita na sa kasalukuyan ay may ipinatutupad na amnesty ang UAE para sa mga manggagawang illegal ang pananatili roon. Ito yaong pangkaraniwan nating tinatawag na mga undocumented workers. At ang nasabing amnesty ay bukas hindi lamang para sa mga Pinoy kundi para sa lahat ng nasyonalidad na nagtatrabaho roon nang illegal.
Pangkaraniwan na nagiging illegal ang isang manggagawa kung may problema na siya sa mga papeles niya. Nangyayari ito kapag siya ay overstaying na roon, o nag-expire ang visa o nagtatrabaho roon nang labag sa uri ng visa na hawak niya. Naparurusahan ang mga ito ng pagkakulong o multa o deportation.
Kaya’t mahalagang samantalahin ng mga kababayan nating illegal na OFW ang amnestiyang ito. Sa ngayo’y may mahigit 200,000 na OFW ang nasa UAE. Hanggang February 3, 2013 na lamang ang offer na ito. Samantalahin natin ito!
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo