MINAHAL NG PUBLIKO ang Koreanang si Sandara Park ng lumabas ito sa Star Circle Quest sa unang sabak ng programa. Nakuha nya ang simpatya ng publiko sa tuwing siya ay nakakakuha ng pinaka-mababang boto sa mga jurors o kung siya’y umiiyak kapag binabatikos siya sa kanyang mga ginagawa. Marami man siyang detractors, di hamak naman na mas marami siyang tagahanga. Siya nga ang nakakuha ng pinaka-maraming text votes at kung tutuusin, tumaas ang rating ng reality-based artista search dahil sa kanya.
Minahal ng sambayanang pilipino ang tambalang Hero Angeles at Sandara Park (HEROSAN). Patunay nito ang ilang product endorsements, tv shows at movies. Malaking impluwensya ang kasikatan ng mga koreanovelas nung mga panahong iyon kung kaya’t kinagat ng masa ang tambalan nila na talaga nga namang may onscreen chemistry. Sayang lang at dahil sa mali-maling desisyon, nabuwag ang kanilang tambalan at kahit ang kani-kaniyang karera ay tumamlay.
Si Sandara Park ngayon ay unti-unti ng bumabangon at sa pagkakataong ito, sa kanyang sariling bansa siya gumagawa ng pangalan. Kasama ni Sandara Park ang tatlo pang Korean popstars na bumubuo ng grupong 2NE1. Pormal ng ipapakilala sa madla ang pinaka-bagong girlband ng Korea sa May 6.
Paniguradong kahit mga pinoy ay bibili ng album na iyan lalo na ang mga Parkers. Para sa mga hindi na makapaghintay, narito ang ilan sa mga bagong larawan ni Sandara at ng kanyang bagong mga kagrupo sa 2NE1:
At narito ang teaser ng pinaka-unang single ng 2NE1 na pinamagatang “Fire”. May dalawang bersyon ang kanilang Music Video:
2NE1 Fire (Street Version)
2NE1 Fire (Space Version):
Sandy, sana ay maging matagumpay ang bago mong karera sa Korea. Nandito pa rin ang mga fans mo sa Pilipinas na tunay na nagmamahal at sumusubaybay sayo. Wala ng makakapantay sa pagka-Krung-Krung mo. Nag-iisa ka lang! Ang ganda mo, Krungy!
Salamat sa YG Entertainment sa mga larawan at videos ng grupong 2NE1.