NAGULAT ang mga music fans na dumalo sa Coachella Valley Music and Arts Festival stage sa Amerika sa unannounced surprise reunion ng grupong 2NE1 anim na taon matapos nila magdisband.
Ang akala ng mga nanonood sa set ni CL, lider ng 2NE1, na tanging si CL ang kanilang mapapanood sa entablado lalo na’t siya lang ang announced performer. Ginulantang ng ‘Queens of K-Pop’ na sina CL, Minzy, Park Bom at s’yempre, si DARA, na mas kilala ng mga Pilipino bilang Sandara Park.
Ikinatuwa ng mga fans nang magsama-sama ang apat sa entablado at kinanta ang kanilang signature na ‘I Am The Best’.
Katulad ng inaasahan, very powerful ang muling pagsasama nina CL, Minzy, Bom at Dara. Napansin din ng fans ang professionalism ni Dara nang ituloy pa rin nito ang pagtatanghal kahit pa lumipad ang kanyang suot na sapatos. We love Krung Krung forever!
Kasama si CL sa “Head in the Clouds Forever” lineup ng 88rising, isang kumpanya ng musika na tumutuon sa mga Asian at Asian-American artist. Maliban kay CL at 2NE1 ay nagtanghal din si Jackson Wang ng GOT7, Utada Hikaru at marami pang ibang Asian artists.
Next announcement na kaya ng 2NE1 ay isang malaking comeback project? Abangan!