Balik-Pilipinas si Sandara Park.
No, hindi ito bakasyon. She will be here this weekend para sa launching niya as endorser ng isang clothing line.
Madalas na umuuwi sa Pilipinas si Dara na unannounced. In the past ay palihim nga ang kanyang pag-uwi para lang makapiling ang Pinoy friends niya.
This time, bongga at with fanfare ang pagpunta ni Dara sa bansa bilang endorser ng isang kilalang clothing line.
Kaya pala may “See you soon Manila” na caption si Dara sa kanyang Instagram account.
Meron pa siyang video post niya sa kanyang IG account na may caption na ganito, “Manila~ I keep coming back to Manila~ Simply no place like Manila~ Manila, I’m coming home!!! Mabuhay!!! Wassup Blackjack PH!!! Kita kits tayo sa april 2!!! Sobrang miss ko na kayo!!! Namimiss niyo rin ba ako?!? Mahal ko kayo!!! #SandaraXPenshoppe.”
Uso pa ba si Dara? Sikat pa ba siya?
Apparently, marami pa ring Pinoy fans si Dara na nae-excite sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.
“Of course miss k rin nmin Sandara .. We Love You …. I hope mkita n kita in person.”
“Yes…miss na miss na kita.sana makita na kita sa personal.#Hoping.”
“Yehhhhhey excited na kami ate sandara pupunta ka dto malapit na..mis na mis ka nanamin sa pinas.”
Ilan lang ‘yan sa nabasa naming comments sa IG account ni Sandara Park.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas