THE KOREAN CRAZE is definitely here to stay! Nag-goodbye na ang mga F4 cuties ng Boys Over Flowers sa pangunguna ni Lee Min-ho (Gu Jun Pyo) but Pinoys are still crazy over him. He continues to steal the hearts of girls with his killer smile and drop-dead gorgeous looks. “In na in” pa rin si Sandara Park sa mga Pinoy kahit nakauwi na siya ng South Korea after her short vacation in the Philippines. In na in rin ngayon sa Korea si Dara at ang kanyang new girl group na 2NE1.
Pinoy fans were in for another treat when they heard the news that Min-ho and Dara will star as beer buddies na ayon sa internet site na allkpop.com, nagsanib puwersa ang dalawa para sa isang OB Beer’s Cass 2x alcoholic beverage commercial. This will be Min-ho’s second commercial for the product. The theme of the commercial is said to be based on how young couples “love.” It’s interesting to see if a real love story brews between Dara and Min-Ho in the future. Who knows? Anything is possible. Guwapo si Min-ho at maganda naman si Dara. Walang masama, ‘di ba? Pero sa tingin ko ay marami ring fans ang magseselos.
Mukhang mag-ki-click ang tambalang Min-ho at Dara dahil hot topic ngayon sa internet ang kanilang team-up. Sabi nga ng Marketing Manager ng OB Beer, “We chose top stars Lee Min-ho and Sandara Park as their trendy image matches perfectly with the image of our Cass beer. We’re staying in touch with the younger generation and this CF will start a new trend.”
Sinasabing nagsimula na silang mag-shooting because they were both spotted in Gangnam, Seoul. Ayon sa internet, Min-ho was surrounded by female extras spraying beer on each other, running down a street with other extras and getting in a red Ferrari F430 Spider with Sandara in the passenger seat.
Maging daan kaya ang kanilang beer commercial para sa isang mas malaking project like a drama series? In fact, in a text poll conducted by SNN ay tinanong namin ang mga viewers kung gusto ba nilang makita sina Sandara Park at Jun Pyo sa isang Asianovela. 75% ang nag-text ng “in na in tayo dyan!”
I’m happy for Dara dahil patuloy ang pag-angat ng kanyang career sa Korea. Nang ipakita sa SNN ang kanyang pagdating sa airport ay ibang Dara ang nakita ko. Mula sa kanyang tindig hanggang sa make-up at pananamit. She is definitely surer of herself now. Nakatutuwa si Dara because she still hasn’t forgotten the Philippines at marunong pa rin siyang mag-Tagalog.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda