MINAHAL NG PUBLIKO ang Koreanang si Sandara Park nang lumabas ito sa Star Circle Quest sa unang sabak ng programa. Nakuha n’ya ang simpatiya ng publiko sa tuwing siya ang nakakakuha ng pinaka-mababang boto sa mga jurors o kung siya’y umiiyak kapag binabatikos siya sa kanyang mga ginagawa. Marami man siyang detractors, ‘di hamak naman na mas marami siyang tagahanga. Siya nga ang nakakuha ng pinakamaraming text votes at kung tutuusin, tumaas ang rating ng reality-based artista search dahil sa kanya.
Minahal ng sambayanang Pilipino ang tambalang Hero Angeles at Sandara Park (HEROSAN). Patunay nito ang ilang product endorsements, tv shows at movies. Malaking impluwensya ang kasikatan ng mga Koreanovelas nung mga panahong iyon kung kaya’t kinagat ng masa ang tambalan nila na talaga nga namang may onscreen chemistry. Sayang lang at dahil sa mali-maling desisyon, nabuwag ang kanilang tambalan at kahit ang kani-kaniyang karera ay tumamlay.
Ngayon, unti-unti nang bumabangon si Sandara Park. Sa pagkakataong ito, sa kanyang sariling bansa siya gumagawa ng pangalan. Kasama ni Sandara Park ang tatlo pang Korean pop stars na bumubuo ng grupong 2NE1. Pormal nang ipakikilala sa madla ang pinakabagong girlband ng Korea sa May 6.
Paniguradong kahit mga Pinoy ay bibili ng album na iyan lalo na ang mga Parkers. Para sa mga hindi na makapaghintay, narito ang ilan sa mga bagong larawan ni Sandara at ng kanyang bagong mga kagrupo sa 2NE1.