BAGUHANG AKTOR pa lang si Sandino Martin. Pero kaagad ay napatunayan niyang magaling siyang umarte sa pinagbidahan niyang pelikulang Esprit de Corp kung saan nanalo siyang best actor sa Cinema One Originals last year.
Kasunod nito ay dalawa pang indie films ang kanyang ginawa. Ito ay ang Unfriend at Dagitab.
“Now I have a new a film. Ito ‘yong Larawan with Loy Arcenas,” masayang pagbabalita ng aktor.
“I’m with Joana Ampil, Rachel Alejandro, Noni Buencamino, and Paolo Avelino. It’s a musical film na parang Les Miserables, so abangan n’yo po ito.”
Magagaling na artista ang kasama niya sa cast. Hindi ba ito intimidating for him?
“Actually I’m very intimidated with Joana. That’s why I’m doing voice lessons. Si Paolo naman, masarap siyang kaeksena. Kasi napaka-giving niya as an actor. Parang isa siya sa mga artista na parang ang sarap i-barkada. Ang sarap ka-collaborate sa isang project. Kasi napaka-open niya sa possibilities. So, gustong-gusto ko siyang katrabaho.”
Mas mahirap daw talaga ang gumawa ng isang musical film. At malaking challenge umano na sa eksena ay umaarte ka habang sinasabayan ng pagkanta.
“Oo!” sabay ngiti ni Sandino. “Ibang elements ‘yon. Like recently nag-recording kami, naririnig ko talaga ang sarili ko, tapos si Mr. C (Ryan Cayabyab) pa ‘yong sa music namin. Ano siya… iba talaga. And si Paolo, masu-surprise kayo sa kanya.”
Pero ang mga musical film, parang hindi pa gaanong tanggap at tinatangkilik ng moviegoers sa ngayon, ‘di ba?
“Well, I think kagatin man o hindi ng mga moviegoers ‘yong pelikula naming Larawan, I think our film will create history. Because we are creating a film of a national artist… si Rolando Tinio. So, ‘yon pa lang, solved na, e. Parang ako, I’m doing it for the love of a national artist.”
Nagkaroon ng chance si Sandino na mag-guest sa ilang programa ng TV5. May mga nag-aabang kung kailan ba siya regular na mapapanood sa isang teleserye.
“Wala muna ngayon. Kasi sobrang taling-tali ako sa shooting ng Larawan.”
May mga aktor na madaling nakapagbida at sumikat sa mga soap opera. Pero sa likod nito ay ang intrigang pumayag daw kasi sa short cut offer ng isang maimpluwensiyang gay TV executive. Paano kaya kung makatanggap din siya ng indecent proposal kapalit ng pagbibida sa isang proyekto?
“Well indecent proposals are there. But me personally… I’m a preson who strive to be good in what I’m doing. I’m not in a hurry. That’s why I’m really choosing the projects. I’m really choosing the script. I’m really chooing the director, because I want to do films that will be in the history of the local cinema.”
Ano ang pagtingin niya sa mga aktor na pumapayag sa indecent proposal ng kung sinumang makapagbibigay sa kanila ng instant stardom?
“Ako… okey ako sa freedom of choice!” nangiting sagot ni Sandino. “Choice nila ‘yan. I respect the choice of people.”
Bukod sa mahusay na naging pagganap nga ni Sandino sa Esprit de Corp, pinag-usapan at tumatak din sa marami ang isang eksenang nagkaroon siya ng frontal nudity. “I’m doing a Singaporean film and it’s gonna be daring again.”
Gaano ito ka-daring? “Well the concept of it is really daring already. It’s about prostitution in Singapore. My director in this film is Edward Gunawan of Indonesia. Pinoy callboy ang role ko. So, iyon na siguro ang… doon na ako kakaba-kaba.”
Malamang na magkaroon siya ng kissing scene or lovescene with a gay customer sa pelikulang ito?
“E… kaya naman, e!” sabay ngiti ulit ni Sandino. “I did it in three films already.”
Kapag gano’ng kaselang eksena sa isang kapwa lalaki, alin ang mas komportable sa pakiramdam niya, kung totoong bading o totoong lalaki na gumaganap lang na bading ang kaeksena niya?
“Ako sa kahit na sino. Kasi I’m doing a role, e. So, for me hindi siya personal, e. Parang… I trust him as an actor. Son, regarding his sexuality or whatever, basta gawin namin ‘yong trabaho at maging effective kami do’n sa role, okey na ‘yon.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan