Hindi nakaligtas ang anak ni dating Sen. Bongbong Marcos na si Sandro Marcos sa mga puna at tirada ng netizens matapos na mag-tweet ang batang Marcos ng kanyang concern sa mga biktima ng pagsabog sa Davao kamakailan.
Partikular na pinuna ng netizens ang paggamit ni Sandro ng salitang “involved” sa kanyang tweet. Ani Sandro, “Prayers going out to those involved in the Davao explosion, hoping you all keep safe! #PrayForDavao.”
Tingin kasi ng netizens, mas nakisimpatiya pa si Sandro sa mga “involved” o may kagagawan ng pagsabog sa Davao, na nauna nang inako ng bandidong Abu Sayyaf Group.
Puna ng isang @ruevenpadilla, “ sandro why? Bakit hindi para sa Victims lang? Huhu bakit “to those involved” ang baet mo naman masyado”
Kaagad namang humingi ng paumanhin si Sandro sa sinabi niyang “misunderstanding”. Aniya, “I meant those victims involved, apologies for the misunderstanding”
Siniguro naman ng isang @TheFrancisPlaza na ang mga biktima nga ang pinatutungkulan ni Sandro sa kanyang tweet. Aniya, “I’m pretty sure you meant the victims, no? Involved can mean the perpetrators.”
Tugon naman ni Sandro, “that’s exactly what I meant. Apologies for the misunderstanding”
Pinakaklaro naman ng isang @abbeyinhinding kay Sandro ang kanyang tweet. Anito, “can you clarify your tweet? The word ‘involved’ mean you are sympathizing with the perpetrators or is that what you mean?”
Sagot naman ni Sandro, “not at all… To say those involved suggests those affected by the incident of the explosion”
Ni-retweet naman ng isang @ExcelsisDiablo ang tweet ni Sandro sabay komento nang, ““to those involved” Di ko kinaya si Sandro, pinagdasal din yung perpetrators. :((”
Paliwanag ulit ni Sandro sa nag-tweet, “taken out of context, I was talking about those victims involved/affected in the explosion…”
Ganito rin halos ang tugon niya sa isang @jethe3rd na nag-retweet din ng kanyang tweet at nagsabing, “Seriously, please be careful with your choice of words. Involved?”
Ani Sandro, “Apologies, should have more clear. Taken out of context though”
Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores