Sangkaterbang showbiz na gustong pumasok sa pulitika, kaloka!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo. Maloloka ka talaga sa Earth!

At para naman sa bonggang-bonggang chikka, kaloka naman itong mga artistang matunog ang pangalan na papasok sa pulitika sa taong 2013.

Nangunguna sa listahan si Bossing Vic Sotto na kahit sa kanyang noontime show na Eat Bulaga, parang sinasamba na ang pangalang Bossing, at isang taon ang birthday, halos araw-araw, siya ang binibigyan lagi ng importansiya sa show.

Ang kasama niyang si Joey de Leon, parang give way na kay Vic, at mga flower vase na lang silang lahat sa show. Halatadong nangangampanya na ang dating. Kasi may temang public service na ang portion ng Juan For All, All For Juan.

Kaya nga si Herbert ‘Bistek’ Bautista ay parang nakikiusap na ‘wag naman, bossing! Kasi matunog na tatakbo itong mayor ng Quezon City. Pero marami ang nagsasabing sa Senado raw tatakbo si Vic. Ano ba talaga, kuya?

Isa pa rin itong si Willie Revillame na hindi mo malaman kung tatakbo. Kasi parinig nang parinig sa kanyang show at nagtayo pa ng party-list. Take note, senador daw ang gusto nito. Kaloka ka! Sarili mo nga, puro kapalpakan sa show, senador pa. Idagdag mo pa riyan si Lito Lapid!

Tama na! Mga wala naman kayong alam sa batas, puwede pa, butas!

At ito pa, si Aga Muhlach na wala raw siyang ambisyon sa pulitika. Pero dahil sa pagpunta-punta niya sa Bicol, at nabulungan lang daw siya ng kaibigan niyang si Camarines Sur Gov. L-Ray Villafuerte, hayun, kahit hindi alam ng aking kababayan na Bicolano pala ito, tatakbo rin daw itong congressman.

‘Eto pa ang isa, si Annabelle Rama, na biglang naloka ang kanyang mga anak dahil nag-alsa-balutan ito at biglang pumunta sa Cebu. Biglang nagulat nga raw ang mga utaw sa Cebu, dahil nagparehistro raw ito na tatakbong congresswoman. Utang na loob! Ang dami talagang ambisyosa!

Isa pa itong si Sharon Cuneta na dati, isinusumpa niya na talagang ayaw niyang pumasok sa pulitika, kahit na ang kanyang ama ay naging mayor ng Pasay, at ang kanyang asawa sa kasalukuyan ay isang senador. Nag-guest lang ang sinasabi niyang idol sa kanyang show na walang kawawaan kundi umiyak-tumawa at hindi pa rin nawawala ang pagbi-babytalk – na puwede kong sabihin na sa San Pablo City na lang siya tumakbo kasi roon bawal ang plastic – hayun, hirit ni Sen. Miriam Defensor Santiago na iiendorso siya, kaloka, parang batang sinabi na, “O, ayan Kiko… kung ikaw ang magsasabi na tumakbo ako, pag-iisipan ko pa. Pero kung ang aking idol, yes na yes!” At halakhak nang walang katapusan na tinanggap niya ang hamon ni Sen. Miriam.

Isa pa ring papalaot na rin sa pulitika, itong si Kris Aquino na medyo mag-uumpisa siya sa mababang puwesto somewhere in Tarlac, bago siya mag-ambisyon sa pagiging presidente para palitan si P-Noy.

At talagang hindi ko matanggap ang pagdeklara ni Alma Moreno na tatakbo rin daw siyang senador. Parang gusto kong itaas ang aking kilay hanggang 50th floor, na kahit sinong doktor ay hindi na ka-yang ibaba, at sumakay sa mga walis na nawawala sa Parañaque nu’ng mayor pa ang asawa niyang si Joey Marquez.

Nagtatanong lang ako, kasi kilala ko itong si Alma. Nasa katinuan pa kaya ng pag-iisip ang babeng ito? Nasa inyo bayan kung ang mga artistang ito ay may mga karapatang tumakbo sa nais nilang takbuhan.

Basta ako, tatakbo rin ako, kasama ko si Vice Ganda… sa Sta. Ana Race Track! ‘Yun na!

MAYROON AKONG ii-introduce sa inyo tungkol sa pagpapaganda, at lalo na sa inyong mga kutis – ang Glupa, The Synergy to Complete Skin Care.

Finally, the two most powerful antioxidant and skin whitining agents had come together in one brand. Glupa, a skin whitening and moisturizing product formulated from papaya and glutathion.
Because of so many happy user of Glupa and the increasing demand for whitening products in the market now, Glupa and Adsphil partnered up with Watson’s Personal Care Stores (Phils.) Inc. to distribute the product to wider audience.
Glupa is a product of many years of reseach and testing – based on real experience of women such as its creator Ms. Annaliza (Aiza) Diuco-Soriano, and those who have had problems keeping their skin white after using countless skin-whitening products made from papaya. Ms. Aiza Diuco-Soriano had the inspiration to create Glupa. Using papaya alone is enough to keep your skin whiten. You need to combine papaya with glutathione, which is a natural ingredient to maintain the whiteness of your skin. Combined together this becomes a powerful skin-whitening product with enchanting additional benefits, such as overall feeling of wellness, glowing skin and enhanced sexual prowess, says Ms. Annaliza Duico-Soriano.

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleMicahel V., mahina na ang dating sa viewers?!
Next articleJuris Fernandez, kasal na pala!

No posts to display