Santino, hiniling na ipagdasal kay Bro ang may sakit na pasyente – Ogie Diaz

NAPANOOD N’YO ‘YUNG bagong commercial ni Sharon Cuneta for McDo?  Kung saan malungkot siya at tila nagsusumamo pang inilahad ang kamay na namamalimos?

Juice ko, for a Megastar to do that, big deal ‘yan, huh!  Namamalimos si Mega for her kababayans na naapektuhan ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Malalim ang ibig sabihin ng commercial na ‘yon.  Kapos pa sa mga donations ang tinatanggap ng mga NGOs, lalo na ng Sagip Kapamilya at Kapuso Foundation.  Kaya ang McDonalds House Charities ay nanghihingi rin para sa mga biktima ng bagyo.

Na para si Sharon Cuneta ang manghingi, parang nakakahiyang tumanggi.  Gano’n ang dating.  And since alam naman natin lahat how effective and credible Sharon is when she endorses a product, I’m sure, patok ang paghingi ng tulong ng McDo.

So, ano?  “Lilimusan” ba natin si Sharon?

Oo naman.

NAKATUTUWA MINSAN, NASA Mercury Drug si Dominic Ochoa, bumibili siyempre ng gamot.  Tapos, me lumapit sa kanya isang babae.  Ang sabi nu’ng babae, “Father, ba’t hindi n’yo po kasama si Santino?

“Pakisabi naman sa kanya, eto ang pangalan ko.  Ipag-pray naman niya kay Bro na gumaling na ang sakit ko!”

At take note, pari na ang tingin ng babae kay Dom, huh!  Ibig sabihin, ganu’n kalakas ang impluwensiya ni Santino sa mga manonood.

Kaya nga ‘pag nagmo-mall itong si Santino, hindi rin makapag-enjoy dahil gusto siyang piktyuran.  At ang nakakalokah, mahawakan lang ng mga tao si Santino, feeling nila’y humipo na sila sa santo.

Pero kami na po ang mag-e-explain.  Si Santino po ay artista.  Hindi po siya santo.  Isa siyang karaniwang bata na nabigyan ng malaking break sa telebisyon dahil sa kakaibang dating.

Mas matibay pa rin ang panalangin kung sa Kanya tayo didiretso at ang paghanga kay Santino ay okay lang, ‘wag lang nating iasa sa bata ang paggaling ng maysakit.

Importante pa rin ang matibay na pananalig kay Bro.

And speaking of May Bukas Pa, kapana-panabik ang mga susunod na episodes at pakikipagsapalaran ni Santino, dahil alam n’yo ba, may “twist” na magaganap na ikaka-shock n’yong lahat.

Siyempre, hindi namin puwedeng sabihin dahil baka mapagalitan kami ng management, ‘no!  At ‘yan ang dahilan ng ikatitigok ng aming karakter doon.  Basta manalig lang kayo kay Bro at malalaman n’yo rin ‘yan.

Actually, sa mga susunod na episodes ay mararamdaman n’yo kung ano ang nais naming sabihin sa inyo.

Nanganganak nang nanganganak ang bilang ng mga Wowanians.  Ibig lang sabihin, napakarami nang nakikinig talaga sa aming showbiz program sa radio, ang “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din nang libre sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Kasama namin siyempre rito si Ms. F at kung gusto n’yo pang mawindang, guest namin today si Rommel Placente, isa ring manunulat na kung magsalita ay wala man lang pause o period, kaya nakakatawa.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleLyka Ugarte, magbabaril sa sarili? – Ronnie Carrasco
Next articleClickadora: Super Power Girls!

No posts to display