Mae-enjoy na ng mga Pinoy fans ang star-studded na Star Magic World Tour dito sa Pinas dahil sa darating na November 13, ay mapapanood na ito sa Araneta Coliseum. Matapos nga itong itanghal sa Amerika, ngayon nga ay mga Pinoy na mismo ang makakapanood nito at ang pinagsama-samang efforts ng Star Records, Blue Dream Entertainment Inc., and Beginnings at Twenty Plus Inc., ang maghahatid sa atin ng event na ito.
Isang contract signing ang ginanap noong Biyernes sa 14th floor ng ELJ Building sa ABS-CBN para pormal nang ihayag ang big event na ito kung saan mahigit kumulang na 48 Star Magic talents ang magsasama-sama sa iisang palabas. Kasama diyan sina Piolo Pascual, Claudine Baretto, Chokoleit, Kitkat, Pokwang, Kristine Hermosa, Nikki Gil, Angelica Panganiban, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Diether Ocampo, Kim Chiu, Gerald Anderson, Erich Gonzales, Coverboys Jon Avila, Jake Cuenca, Victor Basa, Rafael Rossel at Zanjoe Marudo, Sam Milby, Maja Salvador, Yeng Constantino, Jed Madela, Gabby Concepcion, Melissa Ricks, Megan Young, Matt Evans at marami pang iba.
Nagtataka lang kami kasi wala sa listahan ng mga artistang kasama sa palabas ang mga bagets. Sa press kit na inabot sa amin na may nakalagay na “final artists line-up”, wala doon ang pangalan ni Zaijan Jaranilla o mas kilala bilang si Santino. Mainit na mainit ngayong si Santino dahil sa taas ng ratings ng May Bukas Pa pero wala ito sa line-up. Napansin naming puro mga teens at mga seniors ng Star Magic ang kasama. Tutal sa ‘Pinas naman gagawin ang palabas, sana sinama na nila pati ang mga bagets lalo na si Santino.
Pero nang makausap naman namin ang Head ng Star Records na nandoon noong araw na iyon na si Annabelle Regalado, nilinaw nito na ang head ng Star Magic family na si Mr. Johnny Manahan ang magde-decide talaga sa final line-up ng mga artistang sisipot. Kumbaga, ang listahang aming nakuha ay hindi pa raw talaga final at puwede pang magbago.
Sana nga ay mapag-isipan nilang isama si Santino at ang mga bagets sa event na ito dahil for sure, may hatak na rin sa mga fans ‘yang mga iyan. Para mapuno ng todo ang Araneta Coliseum, idagdag na nila si Santino para matuwa naman si Bro, ‘di ba?
UNOFFICIAL RETURNS ANG nakarating sa amin na ang In My Life ay naka-20 million sa first day nito. Malakas ha! Considering na maraming kasabay itong foreign films na medyo mabigat! Ang mga pelikula ni John Lloyd noon gaya ng A Very Special Love at You Changed My Life ay naka-17 million lang sa first day nito, kaya magandang senyales ito na mukhang tatabo talaga ang In My Life sa takilya.
Marami kaming nakakausap na talagang iiyak ka n ng todo sa mga eksena nina Ate Vi at John Lloyd. Napanood na rin namin ang pelikula at namangha kami sa pagka-modern ng pelikulang ito na talaga namang ibang-iba sa mga nagawa na ni Ate Vi.