TUWING TAG-ARAW, hitik ang bunga ng aming mayabong na punong santol sa likod ng bahay. Halos 6 na dekada nang namumunga ang puno na itinanim ng a-king pumanaw na Lola Paong sa Ilaya, San Pablo, Laguna. Dekada ‘60.
Pagkagunita ko, may nagbigay ng buto ng punong santol kay Lola Paong at ito’y dagli niyang tinanim. Pagkaraan lang ng dalawang taon, tumayog na sa paglaki ang puno at namunga ng pagkatatamis na santol. Edad 10 hanggang kinse, mahilig akong maglambitin sa mga sanga nito habang namimitas ng bunga. Sinabi mo, ‘pag namumunga, pila ang mga kapit-bahay sa paghingi.
Bukod sa santol, ang Lola Paong ay may tanim ding cacao, kamyas, duhat at avocado. Sa ilalim nila, may pinipitas kami tuwing umaga na mga gulay at chicharo na gumagapang sa mga puno ng madre cacao.
Sa gunita ko, si Lola Paong ay maliit na babae, paso ng araw ang mukha at katawan at napakabilis maglakad. ‘Pag pinagsama niya ako sa pagbababa ng niyog sa bukid, ‘di halos ako makasabay sa bilis ng lakad niya. Isang tag-araw nabanggit niya, pagtatanim, maraming aral sa buhay. Magandang punla, tutubo ng magandang bunga. Ang kabaligtaran, tutubo ng masama. Lagi kang magtanim ng maganda. Tingnan mo ang punong santol.
Sa mura kong isip, ito’y dumating na isang talinhaga. Isang palaisipan. Ngunit tuwina’y pinaghahanap ko ang kahulugan.
‘Di naglaon, lumipat ako sa malaking siyudad para mag-kolehiyo. Ngunit tuwing namumunga ang punong santol, pinipilit kong umuwi at mamitas ng bunga. ‘Pag hindi ako makauwi, pinadadalhan ako ng bunga ng lola ko.
Ewan kung naroon pa ang puno ng santol. Ang sigurado, kanyang bunga ay laging namumulaklak sa aking alaala tuwing tag-araw sa aking katandaan.
SAMUT-SAMOT
TAKE TWO, make two. A text message I received says: “Let us enjoy our parents while they are still with us, while we can still see, hold and embrace them and when they can still celebrate with us.” Yes let’s lavish our parents with love because they labored hard for the things we have now. Let’s talk to them now, visit them, embrace them and do not wait for the time when they hear us no more, and our visits made before their tombstones.
‘SANG ARAW habang si St. Peter ay nag-iinspeksyon sa pader na naghahati sa langit at impiyerno, napansin niya sa lakas ng apoy sa kabila, ang pader ay maaaring bumagsak na. Agad-agad niyang tinawagan si Lucifer at binato: Kung ‘di mo slow down ang apoy, we will sue you. Sagot ng demonyo: ‘Di mo magagawa. Walang lawyers sa langit. He, he, he. Napakagulo ng mundo dahil sa mga abogado, patutsada ng ‘di iilan. Mali, ginagawang tama; tama ay mali. Kahit sa Mahal na Aklat, tinuligsa ang mga abogado as “brood of vipers”. ‘Pag kausap mo ‘sang abogado, walang katapusang argumento. Laging may lusot o palusot. Nasaksihan natin sa impeachment trial ni CJ Renato Corona.
SANG-AYON KAMI kay dating Sen. Rene Saguisag. Sakali mang ma-acquit si Corona, damaged goods na siya at kailangang mag-resign na. “He will have no more moral ascendancy. He’ll just be floating in the waters of the law.” As things develop, acquittal, sa aming pananaw is getting remote. Nabaon na siya sa quicksand ng kanyang pagsisinungaling sa hidden wealth. The public is crying for his blood. He should already resign while there’s still time.
‘DI PA tapos ang rehabilitation work sa Cagayan de Oro at Iligan, sinakmal na naman ng panibagong sakuna ang bansa. Ang 6-7 intensity na lindol kamakailan sa Negros Oriental ang lumalamon na ng mahigit 200 biktima. Maaaring lumobo pa ito. Force majeur, kaya walang control. Subalit mababawasan ang casualties kung may pre-emptive efforts gagawin ng pamahalaan kagaya ng earthquake safety drills, etc. Problema, ningas-kugon tayo.
MANTAKIN NATIN halos P350-B taun-taon nasisikwat ng korapsyon sa kita ng Bureau of Customs. Halagang sapat para makapagpatayo ng kailangang paaralan, ospital at iba pang social services. Bakit ganito? Kahit sinong Pontio Pilatong commissioner ilagay mo sa BoC, ‘di masusugpo ang culture of corruption. Talamak na mula sa ibaba hanggang itaas. Kailangang total overhaul sa BoC. O, bakit ‘di i-privatize?
DAPAT PAGGISING sa umaga – after a night rest – mabuti ang pakilasa. Sa akin kabaligtaran. Balakang, tiyan, rayuma , agam-agam ang sumasalubong sa umaga. Iba’t ibang organs ng katawan, sumasakit. Sabi ng doctor, natural sa pagtanda. ‘Di na spring chicken quality ating mga organs. Tiisin na lang. Have positive attitude. Fight fear at mag-exercise!
ACCEPT GRACEFULLY the advancing years. Totally surrender to the inevitable. Death is like a thief in the night. Watch. ‘Pag ako’y binabagabag ng di-maipaliwanag na takot, paulit-ulit kong iniisip ito. Iba’t ibang takot ang sumasakmal sa ating pagtanda. Takot sa sakit. Takot sa ‘di ka na minamahal. Takot sa kamatayan. Atbp. Walang ligtas sa ganitong karamdaman. Ano pang gamot? Active spiritual life. Ipaubaya sa Diyos ang lahat. Thy will be done!
MEMORY LAPSES. Unang seryosong symptom ng pagtanda. ‘Di ako exception. ‘Pag minsan nagkakadoble inom ako ng mga gamot. Mga pangalan, madali kong makalimutan. Subalit may mga alaala sa matagal nakalipas, mabilis bumalik. Kasama nito ang panlalabo ng mata. At sakit na rayuma, gout at ihi nang ihi.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez