KASAMA ang Kapuso actress at bagong First Yaya ng Bayan na si Sanya Lopez sa 2020 Metro Manila Film Festival entry na ‘Isa Pang Bahaghari’ ng Heaven’s Best Production na mula sa direksyon ng batikang drama director na si Joel Lamangan.
Isang magandang opportunity para sa dalaga ang mapasama sa isang pelikula na puro respected veteran actors ang kasama na pinangungunahan ng one and only superstar na si Nora Aunor. Kasali rin dito sina Phillip Salvador at Michael de Mesa (na nanalong Best Supporting Actor). Idagdag pa sina Zanjoe Marudo, Maris Racal, Albie Casino at Joseph Marco.
Gumaganap si Sanya bilang bunsong anak na naging dancer sa isang bar dahil na rin sa kahirapan. Maaga rin itong nabuntis. May mga challenging drama scenes ang dalaga sa mga veteran actors at marami sa mga nakapanood ang nagsabing nakasabay ito sa intensity ng kanyang mga ka-eksena.
Noong 2019 pa natapos ang shooting para sa ‘Isa Pang Bahaghari’. Sa katunayan, nasumite ito for consideration in last year’s MMFF pero hindi ito pinalad. Nakapasok naman ito sa unang lineup ng sana’y 1st Metro Manila Summer Film Festival na na-postpone dahil sa Covid-19 pandemic.
Kung fan kayo ni Sanya, any of the stars of the film, or bet mo lang manood ng family drama with a heart, suportahan na ang pelikulang ‘Isa Pang Bahaghari’ sa pamamagitan ng panonood sa UPSTREAM.PH sa halagang Php 250 na swak na para sa buong pamilya. Suportahan natin lahat ng pelikulang kalahok sa kauna-unahang MMFF digital film festival dahil malaki ang epekto ng pandemya sa current status ng ating local filmmaking business.